Celestine’s POV PINUNASAN ko ang namamasa kong noo dahil talaga namang mainit ang panahon, pero ewan ko ba nasa aircon naman ako pero ang weird ng katawan ko dahil ang init-init ng aking pakiramdam. Nandito ako sa Bridge Stone City kung saan wala kang makikitang mga puno o bundok. Kung saan walang nakakaalam tungkol sa mga lycan at sa iba pa. Pagkatapos ng gabing iniligtas ko Darius ay nagdesisyon akong umalis na ng Atheia at nagpakalayo-layo para iwan at kalimutan ang mga hindi mamagandang nangyari sa akin. At sa pag-alis ko, nagkaroon naman ako ng bagong kaibigan na tulad ko rin na gustong makalimot. Bridge Stone City is twelve hours away from Atheia at tanging tren lang ang p'wedeng transportasyon mula roon papunta rito. Kasabay ng pagbago ng mundo ko ay babaguhin ko na rin ang ta