Scoth’s POV PAGKARATING ko sa mansion ni Torch ay agad kong pinuntahan si Celestine sa kwarto niya, at naabutan kong pinupunasan ito ng kasambahay. "Ako na," sabi ko na humakbang papasok sa kwarto. Binitiwan nito ang bimpo saka humakbang palabas ng kwarto at isinara nito ang pinto. Naupo ako sa tabi ni Celestine na hindi pa rin nagkakamalay hanggang ngayon, ilang araw na ang nakalilipas. Buntong-hiningang piniga ko ang bimpo at inumpisahan kong punasan si Celestine sa buo niyang mukha, sunod sa leeg, sa braso at pagkatapos ay sa kanyang binti. Pagkatapos ko siyang punasan ay hinawakan ang kanyang mapuputlang kamay at dinampian iyon ng halik. “I’m sorry for hurting you so many times... for pushing you away and for letting you slip away. Lo siento mi Luna." I'm sorry, my Luna. Hinaplos