Celestine's POV
HERE I am again alone in the middle of nowhere...so silent and cold. When I open my eyes all I can see is darkness and I have no one to turn to.
Nayakap ko ang aking sarili nang umihip ang malamig na hangin at doon nagsimulang manginig ang buo kong katawan. Nakarinig ako ng yapak ng mga paa na palapit sa kinaroroonan ko. Ito na naman ang takot ko na aking tiniis sa ilang taon na nagdaan. Hindi talaga siya tumitigil gabi-gabi. Nag-umpisa na pumatak ang mga luha ko at ang panginginig ng aking katawan ay mas lalong domoble nang huminto sa aking tabi ang kung sino mang babaeng 'yon.
"Celestine..." anas niya sa aking pangalan.
Mariin kong tinakpan ang tainga ko at mabilis na umiling-iling.
"Please enough... Leave me alone!"
"Hindi ko magagawa ang gusto mo dahil sa una pa lang ay akin na ang buo mong pagkatao."
"No. Kahit kailan hindi ako magiging iyo!" sabi ko na wala pa rin humpay sa pag-iling.
"Kung hindi dahil sa lalaking 'yon ay matagal ka na naging sa akin. Inagaw ka lang niya sa'kin!"
"Kahit na kailan ay hindi ako magiging iyo!" bulyaw ko kasabay ng paglingon sa kanya.
Pero ang galit na nasa aking dibdib ay gano'n na lang kabilis na nawala pagkakita ko sa kanyang mukha. Ang galit ay naging takot. Ang kulubot nitong mukha. Ang maputla nitong balat. Ang mapula nitong mga mata at ang dugong nagkalat sa kanyang bibig ay talaga namang nakatatakot tingnan.
"Tandaan mo, ikaw ay ako at ako ay ikaw. Hindi mo na matatakasan kung ano ang nakatadhana sa'yo. Nagtagumpay man siya na makuha ka niya sa akin pero darating ang araw na siya mismo ang magbabalik sa'yo sa akin..."
Mariin niya akong hinawakan sa braso at marahas na hinihila. Pilit akong lumalaban pero sa huli ay nagawa niya akong hilain sa mas madilim na parte ng lugar na kahit kailan hindi ko maiisipang puntahan.
"No!" sigaw ko kasabay ng aking pagbalikwas.
HABOL ang hiningang nasapo ko ang aking bibig na pinipigilan ang mapahagulhol. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ako tantanan ng babaeng 'yon sa panaginip ko.
Unang beses na nagpakita siya sa’kin noong tumungtong ako sa ika-labing anim na taon. Matapos naman akong bigyan ni Scoth ng marka ay galit na galit siya, dahil bakit ko raw hinayaan na gawin 'yon ni Scoth.
Noong una malabo ang mukha niya pero habang tumatagal ay palinaw siya nang palinaw at ngayon ko lang siya nakita nang malapitan, ngayon lang din niya ako nagawang saktan.
Nasapo ko ang aking noo at humugot ng hangin kuway marahan 'yong ibinuga. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili pero hindi ko magawa at hangang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagnginig ng buo kong katawan.
Think happy thoughts, Celestine... sabi ko sa’king sarili. Pero agad ko ring naidilat ang aking mga mata nang pumasok sa isip ko ang gabi kung saan ko tinulungan si Scoth 'Yun ba ang masayang nangyari sa buhay ko? Hindi ba dahil doon nagsimulang gumulo ang buhay ko?
Inabot ko 'yong roba na nasa upuan at mayamaya pa ay isinuot ko 'yon. Umalis ako sa ibabaw ng kama at dumiretso sa balkonahe na agad ako sinalubong ng sinag ng araw kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin na kaysarap sa pakiramdam.
Agad kong nakita mula sa ibaba si Scoth kasama nito ang lalaking naghatid kay Rhoda. Hubad-baro ito. Bumaba mula sa kabayo si Scoth at ibinigay 'yon sa groom.
Hindi ko maiwasang tumitig sa gwapo nitong mukha at ang tingin ko ay bumaba sa matitipuno nitong katawan. Ang sarap siguro makulong doon. Agad akong pinamulahan ng mukha sa isiping 'yun.
Pinilig ko ang aking ulo at marahas na nagbuntong-hininga. Hindi dapat ako basta makampante dahil nandito ako ngayon sa lugar ng mga Lycan na ano mang oras ay p'wede ako mamatay. Isa pa hindi ko pa nalalaman mula kay Scoth kung bakit niya ako binigyan ng marka.
Natigilan ako nang angatan ako ng tingin ni Scoth. Ang asul nitong mga mata ay tumitig sa’kin pero agad din naman nitong binawi ang tingin kuway humakbang na ito papasok sa mansion.
Bughaw na mga mata? Hindi ko p'wedeng makalimutan ang magandang kulay ng nga matang 'yon. Pero kubg hindi ako nagkakamali, minsan nagiging itim ang nga mata nito.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto kaya napilitan akong pumasok at pagbuksan kung sino man iyon. Si Anabel.
"Good morning ho, pinapatawag na ho kayo ni Alpha sa dining room."
Tipid ko siyang nginitian. "Sige, susunod na ako. Salamat."
Nang tumalikod na ito ay dumiretso ako sa banyo para mabilis na maligo at makapagbihis. Nang matapos ako ay agad na rin akong bumaba at dumiretso sa dining room.
Pinaghila ako ni Anabel ng upuan na dapat si Scoth ang gumawa. Lihim akong umismid. Ungentleman!
Ito na ang pangatlong araw ko rito pero never pa kami nakapag-usap nito nang maayos. Bukod sa may pagkamasungit ito ay talagang hindi mo mahulaan ang mood nito. Hindi ko tuloy alam kung paano ko uumpisahan.
"Stop staring, just eat." Anito na nagpahinto sa naglalakbay kong isip.
Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi nito. Nahihiyang iniwas ko ang tingin sa kanya. Kanina pa ba ako nakatitig sa kanya? Nakakahiya!
Kumuha ako ng kanin at naglagay ng ham at hotdog sa sarili kong plato.
"Hmmm... How old are you?" Hindi ko maiwasang itanong dahil talaga namang nakakabingi ang katahimikan.
"Twenty seven," tipid nitong sagot.
"Ahh... Ako, twenty."
"I know."
Nangunot noo ko. "You know?" Papaano nito nalaman? "Then...you know my father is a hunter?"
Marahan itong tumango. "I know everything about you." Anito na nag-angat sa akin ng tingin. "Every single things, Celestine." Nagbaba ito ng tingin sa’kin na muling pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kanya. Totoo kaya ang sinabi nito? Pero bakit naman nito aalamin ang lahat ng tungkol sa akin?
"Why you give me your mark?" Sa wakas, naitanong na din niya ‘yon.
Nahinto sa ere ang hawak nitong kutsara at walang emosyong muling tumingin sa’kin, ngunit wala itong tinugon.
"Nagpunta ako kasama si Rhoda sa Tiera Tribo. Nakausap ko ang matandang Babaylan doon tungkol sa marka. Ang sabi niya—"
"Enough..." Putol nito sa iba ko pang sasabihin.
"Pero..."
Nilapag nito ang hawak na kubyertos at nagpunas sa kanyang bibig at saka ito tumayo kuway tinalikuran ako nito.
Iiwanan niya ako? Ay! Grabe.
Inis na tumayo ako. "Don't turn back on me while I'm talking to you!" sigaw ko sa kanya pero nagpatuloy ito sa paglakad.
Kuyom ang kamaong sinigawan ko ulit siya at sa pagkakatong ito ay mas nalakas na. "Scoth!" Then he stop. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.
"Let's talk right here, right now!"
Nakita ko ang pagkagulat ng mga kasambahay na nandoon dahil sa pagsigaw ko sa Alpha nila.
Tiim ang bagang na umikot ito paharap sa akin. "You want to talk? Okay, let's talk! You, you, and you." Tinuro nito isa-isa ang mga kasambahay. "Get out!" sigaw nito na agad naman sinunod ng mga ito.
"You want to know why, huh?"
Napasinghap ako nang bigla nitong punitin ang suot nitong damit.
"Look at me, Celestine. Tingnan mo ang sumpang kumakalat ngayon sa buo kong katawan!"
Bumaba ang tingin ko sa kulay itim na tila tinta na kumalat sa mismong tapat ng dibdib nito. Hindi ko 'yon napansin kanina.
"Ito ang dahilan...I thought once I found you the curse will be gone, but I'm wrong!"
"Curse? What curse? A-at bakit ako nadamay sa bagay na 'yan?"
Nagkuyom ang mga kamao nito. "I don't know Celestine, I dont know!" Taas-baba ang dibdib nito na tumalikod sa akin.
"Pensé que eres mi alma gemela, pero estoy equivocado," anito sa salitang spanish kaya hindi ko 'yon maintindihan.
Naguguluhang hinayaan ko na lang siyang umalis at iwan akong nag-iisa.
NAKAKABINGI ang katahimikan habang sabay kaming kumakain ni Scoth ng hapunan. I'm not good in spanish that's why I don't understand what he said a while ago. Gusto kong itanong kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi nito kanina pero hindi ko maiwasang mailang na mag bukas ng pag-uusapan. Mayroon din akong isa pang napansin sa kanya...ang kanyang mga mata, nag-iba na naman ito ng kulay.
"What?" Kunot noong tanong nito.
Kurap-kurap na nagbaba ako ng tingin sa kanya.
"If you want to say something, then say it." Bakas ko ang inis sa boses niya.
"Umh-amh...k-kanina...ano kasi."
"Kanina?"
Kagat-labing nilingon ko siya. "Gusto ko lang sana itanong sa'yo kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo. Y-you know..."
Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito. Nagagalit ba si'ya?
"Did I say something to you?"
"H-ha?" Naguguluhang tumitig ako sa kanya.
Ano ba ang sinasabi nito? Hindi ba niya alam ang mga sinasabi niya? Nawawala ba ito sa kanyang sarili?
"Mayroon ba akong nasabi sa'yo?" Mulibg tanong nito.
"Wala naman maliban sa sumpang sinasabi mo."
Mapait itong ngumiti. "Pensé que eres mi alma gemela, pero estoy equivocado," Walang emosyong sabi nito.
"A-ano?"
"'Yan ba ang sinabi ko sa'yo?"
"H-hindi ako sigurado...p-pero sa tingin ko 'yon nga."
Sandali itong tumahimik pero sa pagkagulat ko ay bigla itong tumawa ng pagak.
"Ese idiota..." Ani pa nito na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
Ano ba ang nangyayari rito?
Inis na binitiwan ko ang mga kubyertos. "Ano bang problema mo? Para kang walang alam! And stop speaking spanish!"
"I'm sorry..." Pinipigilan nito ang matawa at saka nilingon ako at kunot noong tinitigan ako.
"What's wrong?"
"’Y-yung mga mata mo... parang may iba... a-at ikaw."
"Anong ako?"
"Parang hindi ikaw ang kaharap ko kanina..." Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ito o ano.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "You're just imagining things."
Am I?
"P-pero..."
Galit itong tumitig sa kanya. "Kung ako ang masusunod, hindi ko hahayaang makapasok ka sa mundong ito."
Tumayo ito at naguguluhang sinundan ko siya ng tingin nang maglakad ito papunta sa pintuan. Pinihit nito pabukas ang seradura saka huminto at bahagya akong nilingon. Isang ngiti sa labi ang binigay nito sa akin bago ako iwan mag-isa.