Pagod na sumandal si Lovely sa kanyang swivel chair. Katatapos niya lang basahin ang report ng CEO sa kumpanya ng ama niya. Gusto ng board ng Collins Company na siya ang pumalit sa ama niya pero alam niyang hindi niya maasikaso ng maayos ang kumpanya dahil mahahati ang atensiyon,sa company at sa KJO. Sunod niyang binuklat ang isang folder at nakitang report ito ni Agent Ryan sa nakaraang misyon nito. And speaking of Agent Ryan,he's happily married to Agent Rita. Ang dalawang 'yon ang nagkatuluyan. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa picture ni Andrew na nakapatong sa table niya. Katabi nito ang picture nila ni Lance,ang anak nila ni Andrew. Their son's name is Zion Lance Collins Donovan, and yes, ginagamit nito ang last name ni Andrew. Four years old n

