Bumalikwas ng bangon si Lovely at tumakbo sa loob ng banyo at sumuka ng sumuka sa sink. Naramdaman naman niya agad si Andrew sa likod niya at hinaplos ang likod niya. She felt relaxed by his touch. "You okay?" Nag-aalala nitong tanong. Umiling siya. Nahihilo siya at parang gusto niyang matulog ulit. Nagmumumog siya at isinandal ang katawan kay Andrew na agad naman siyang pinangko. Lumabas sila ng banyo at muli siya nitong hiniga sa kama. Andrew layed beside her. "Are you okay,Love?" "Nahihilo ako,Andrew. Gusto ko pang matulog ulit." Sabi niya. "Sleep then,i'll prepare our breakfast." Tumango lang siya at ipinikit ang mata. Naramdaman niyang umalis ang kasintahan at lumabas ito ng silid. Nasa bahay sila na binili nito para sa kanya. Actually,mas gusto niy

