Napansin ko nalang na may isang nakayakap sa'kin, medyo malaki yaong katawan niya, mainit pero di gaano, niyakap ko nalang ito nang mahigpit, baka panaginip lang 'to eh, lubos lubusin ko na... Habang nakayakap ako sa kanya, biglang sumagi sa aking isip, waaaaaaah? Si sungeeeet? Biglang nanlaki yung mga mata ko, 'bat sya nakayakap sakin? At bakit boxer lang ang tanging suot nya? Dali dali ko siyang hinawi, tulog parin sya, pero nang galawin ko sya, nagising sya, kitang kita ko sa mga mata niya iyong gulat, "Anong ginagawa mo dito?" Gulat pa nyang tanong, "Ba -bat ako nakahubad?" Pagpatuloy niya, habang ako nanlaki parin yung mga mata ko, ba- bakit ba niya hinubad yung pantalon na suot nya kagabi? Anak nang topak naman oo. "Anong ginawa mo sakin?" Sabay pa naming sigaw sa isa't is