Chapter 17 "Sino ba kayo!? Maawa kayo sa akin! Wala po akong alam!" pagmamakaawa ng lalaking nakabalot ng plastic ang mukha. Nakagapos ang mga kamay nya sa likod at may tama ng bala ang kanyang binti na patuloy na nagdurugo. Kinakaladkad sya ng dalawang lalaking naka-itim, sa kanilang tagiliran ay may mga nakasukbit na mga baril at sa liwanag ng mga ilaw sa mga poste ay kumikinang ang mga suot-suot nilang pilak na hikaw na may simbolo ng Mafia. "Nandito na po sya," sabi ng isa sa mga lalaki na nasa kaliwa at itinulak nila ang nagmamakaawang lalaki sa lupa. Isang babaeng nakapula at nakasuot ng sapatos na may mataas na taking ang lumapit sa kanila. Sa bawat paghakbang nito ay maririnig ang kanyang mga yapak at may kung anong nakakakilabot ang babalot sa iyong pakiramda