Ibinaba siya ng asawa sa bathtub at binuksan ang shower. Mahina lang ang tulo ng tubig - sakto lang na mabasa ang damit niya. Agad namang hinaplos ng asawa ang namumula niyang pisngi dahil sa pagkakasampal ni Kherwin sa kanya. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Shawn. "Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong nito. Agad niyang iniling ang ulo. Wala naman siyang ibang injury. Tanging sampal lang na dalawang beses ang nagawa sa kanya ni Kherwin, maliban sa pagsira nito sa damit niya. Pinagpapasalamat niyang dumating sa tamang oras ang asawa. "I'm okay, Shawn. Salamat at dumating ka," pasalamat niya at ngumiti. "I will save you, Hainna. No matter what," mariing sagot nito. "Thank you," pasalamat niya. "Alisin mo na ang damit mo para makaligo ka at mawala ang dumi mo galing sa bu

