Kasalukuyan Kanina pa s'ya nakatitig sa salamin at naramdaman ang pagluha ng mga mata sa ala-ala ng nakaraan. Pag akyat n'ya kanina mula sa pool area kung saan hinalikan s'ya ng asawa, tatlong taon na din n'yang inaasam na muling mahalikan ni Shawn at nangyari 'yon kanina. At pag akyat sa itaas hindi n'ya maiwasan na sariwain ang nakaraan kung paano s'ya naging Mrs. Alvarez, kung paano n'ya napagtagumpayan ang pangalang Mrs. Alvarez at kung paano s'ya pinaalis ng bansa ni Shawn, sa gabi mismo ng kasal nila. Ang gabing hinding-hindi n'ya makakalimutan. "Ready ka na ba?" tanong ni Shawn sa may pintuan ng silid. Nagulat s'ya, at tila noon palang s'ya nakabalik sa kasalukuyan. "Ah?" Tanging sabi n'ya at nagkatinginan sila ni Shawn mula sa salamin. "Ah, eh," kumurap-kurap s'ya at tumango.