Halos isang linggo na mula ng makabalik sila ni Shawn sa San Miguel, at mula ng makabalik sila at nangyari ang tungkol sa Mama ni Shawn at Mr. Del Castillo, ay nagkaroon sila ng ilangan ng asawa. Lalo na ng marinig mismo sa asawa ang mababang tingin nito sa isang pagsasama o pag-ibig. Pakiramdam n'ya naging malamig ang pakikitungo ni Shawn sa kanya, at s'ya naman naiilang s'ya sa asawa. Ganoon pa man ginagampanan pa rin n'ya ang papel n'ya bilang asawa ni Shawn. S'ya pa rin ang nag-aasikaso ng mga kailangan ng asawa. "May meeting ako mamaya, baka ma late ako ng uwi," malamig na sabi ni Shawn habang kumakain sila ng breakfast. Mula ng mangyari ang lahat ng gulo ay hindi na sumasabay kumain ang Mama ni Shawn sa kanila. Baka nga hindi rin nag-uusap ang mag-ina, hindi lang s'ya sigurado. T