Mabilis na lumipas ang mga araw, naging abala si Shawn sa trabaho, madalas hindi na ito nag-aalmusal sa umaga, kaya naman mag-isa lang n'yang kinakain ang mga inihahanda n'yang pagkain. Wala din kasi ang byenan, nasa Tagaytay kasama ang mga kaibigan nito. Sa tuwing gabi naman nakakatulog na s'ya kakahintay sa asawa. Nalulungkot s'ya dahil pakiramdam n'ya iniwasan s'ya ng asawa. Dahil ba sa hindi s'ya buntis? Nais tuloy n'yang pag-sisihan ang pag amin rito na hindi s'ya buntis. "Saan po kayo pupunta Ma'am?" Tanong ni Manang Helen ng pagbaba n'ya bihis na bihis s'ya. Nais muna n'yang mamasyal, naiinip na s'ya sa bahay. Magpapasama sana s'ya kay Bea kaso lang may pasok ito, kaya naman mag-isa nalang s'yang mamasyal. "Ang sabi po ni Sir Shawn huwag daw po kayong payagan lumabas ng bahay,"