Elise
Hanggang saan nga ba ako dadalhin ng pagmamahal sa aking asawa?
Nang araw na mabasa ko ang mensaheng iyon sa kanyang cell phone, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang salitang pagmamahal. Hindi ko maiwasang hindi isipin na ako ay may pagkukulang o 'di kaya'y may nagawa akong mali kaya ganito ang aking asawa, kaya sila biglang nagbago at nanlamig
Hindi ba ako maganda? Kulang ba ang pagpapaligaya na aking ginagawa? Baka naman may mali sa akin?
Ito ang mga bagay na hindi ko maiwasang isipin. Masakit, nakakababa ng dignidad, ngunit kung ako man ang may mali, kailangan ko itong ayusin at baguhin.
Isang bagong umaga, pakiramdam ko ay halos hindi ako nakatulog dahil sa kaiisip ng mga bagay-bagay.
Marahan kong nilingon ang aking ulo sa katabi at nakitang wala na ang aking asawa sa aming kama kung saan ako nakahiga ngayon.
Tumagilid ako at hinaplos ang bakanteng bahagi ng higaan. Nandoon pa rin ang init ng kanyang katawan, marahil ay ka-aalis niya lang.
Isang buntonghininga ang lumabas sa aking labi. Naramdaman ko ang paggapang ng luha sa aking pisngi habang nakatingin sa aking kamay.
Kapit lang, Elise. Ang pinagbuklod ng Diyos ay hindi kailanman maaaring paghiwalayin ng tao.
Ito na lang ang natatanging pinanghahawakan ko. Sa ngayon, wala akong kailangan gawin kung hindi ang makuhang muli ang loob ng aking asawa. Ayoko naman siyang kausapin tungkol sa kanyang babae dahil baka nga mali ako. Baka nga katrabaho niya lang ito at masiyado lang akong nag-iisip, isang katrabaho na malapit sa kanya at nakuha pa niyang tawaging, babe.
***
Upang simulan ang bagong araw, nag-isip ako ng paraan upang manumbalik ang pagmamahal sa akin ng aking asawa. Pilit kong inalis sa isip ang mga bagay na bumabagabag sa 'kin dahil alam ko namang hindi ito makatutulong.
Tumawag ako sa isang restaurant upang mag-setup ng isang simpleng dinner sa aming hardin. Sa pagkakataong ito, nais kong sorpresahin ang aking asawa at magkaroong muli ng quality time kasama siya.
Tumulong ako sa pag-aayos at siniguradong maayos ang buong bahay. Maging ang aming silid ay nilinis ko nang sa ganon, matapos ang aming dinner, maibalik ko ang init ng aming pagmamahalan.
Habang nag-aayos ng aming silid, isang bagay ang nakita kong nakasilip sa kabinet namin ni Bryan. Marahan akong tumayo at lumakad upang makita ito, saka marahang sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang photo album namin mag-asawa.
Kinuha ko ito saka muling bumalik sa pagkakaupo sa tabi ng kama, marahang binuksan at tiningnan ang magagandang litrato mula sa kasal at honeymoon namin noon. Ngunit sa paglipat kong muli ng pahina, unti-unting lumungkot ang aking labi nang mapagtanto kong marami pang bakanteng pahina ang nasa loob ng photo album.
Doon ko lang napagtanto na simula nang pumanaw ang aking ama, kahit kailan ay hindi na rin kami nagkaroon ng oras ni Bryan sa isa't isa. Wala na rin kaming litrato na magkasama dahil madalas nasa kompanya si Bryan at abala sa trabaho. Kahit okasyon o kaarawan mas nais niyang makasama ang mga katrabaho niya. Ang lahat ng ito ay noon ko lang napagtanto, madalas kasing pikit-mata na lang ako sa lahat ng nangyayari dahil mahal ko siya. Dahil ayokong masira ang kasal na pinanghahawakan ko.
Marahan kong sinara ang photo album at tahimik na binalik ito sa loob ng kabinet. Katulad ng dati, kinalimutan ko na lang muli ang mga bagay na aking napagtanto. Pilit ko na lang inintindi ang mga bagay na nangyayari, na ayos lang iyon at hindi naman makaaapekto sa relasyon naming mag-asawa. Litrato lang iyon, it's not a big deal.
***
Makalipas ang ilang oras, pumatak na rin ang alas-singko at alam kong pauwi na ang asawa ko. Dali-dali akong nagtungo sa silid at humarap sa make-up table upang ayusin ang sarili. Nagsuot din ako ng revealing na damit, nagbabakasalaking muli ko siyang maakit.
"Nandito na ko!" sigaw ni Bryan pagdating niya sa bahay.
Nagmamadali akong bumaba upang salubungin siya. Kitang-kita ko naman ang nanlalaki niyang mata nang makita ang maganda kong hitsura.
"Ano 'yang suot mo? Saan ka pupunta?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
"Wala, naisipan ko lang kasi na kumain kasama ka. Nami-miss ko na rin ang mag-ayos ng sarili," tugon ko sa kanya habang nakangiti.
Mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin saka inalis ang suot na sapatos.
"Pagod ako, wala akong oras para kumain sa labas."
"Naghanda ako ng dinner sa garden. Bryan, please. Pwede bang ibigang mo na lang sa 'kin ang gabing ito?" pagmamakaawa ko sa kanya.
Buong buhay ko, hindi ko akalain na makukuha kong magmakaawa sa isang tao. Ako na pinalaki sa karangyaan. Ngunit dahil mahal ko si Bryan, kahit lumuhod pa ako makuha ko lang ang isang gabing kasama siya, gagawin ko.
Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga ni Brayn, saka ito umiling at hinagis ang dalang bag sa sofa.
"Okay, sige," pagpayad niya, dahilan upang sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Salamat!" wika ko.
Mabilis kong inanggkla ang akong kamay sa kanyang braso, saka kami sabay na lumakad patungo sa hardin.
Wala mang ngiti sa kanyang labi, ayos lang dahil hindi naman mapapantayan ang saya na nararamdaman ko ngayon.
Sa pagdating namin sa garden, nagulat pa siya sa romantic set-up na pinagawa ko. Nakahanda na rin ang aming kakainin at ang lalaking tutogtog ng violin upang mas maging romantic ang lahat. Nandoon na rin ang alak na iinumin naming mag-asawa.
"Pinahanda mo lahat to?" gulat niyang tanong.
"Oo. Gusto ko kasing maging espesyal ang gabing ito," masaya kong tugon.
Nagtungo na kami sa upuan at sinimulang kumain. Alam kong wala siya sa mood magkuwento ngunit sunod-sunod pa rin ang tanong ko sa kanya upang may mapag-usapan lang kami. Mabuti na lang at hindi siya naiinis sa katatanong ko. Matapos kaming kumain ay nagsimula na kaming uminom.
Ngayon na lang ako muling nakainom ng alak kaya marahil ay paunto-unti na akong tinatamaan nito. Ngunit matapos kaming uminom, laking gulat ko na mas lasing pa sa akin si Bryan.
Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na mapupungay na ito at halata ko na rin sa kanyang pagsasalita. Nagsisimula na rin siyang dumaldal at kahit alam kong nawawala na siya sa sarili, masaya ako dahil nakakausap ko na siya katulad ng dati. Himala rin na hindi mainit ang ulo niya ngayon.
"Tara na, Elise. Matulog na tayo, nahihilo na ko," pag-aya sa 'kin ni Bryan.
Isang huling lagok ang ginawa ko sa huling inumin na nasa aking harapan. Matapos iyon ay sabay na kaming tumayo ni Bryan. Nakahawak siya sa aking baywang at todo alalay naman ako sa kanyang paglalakad.
"Itigil mo nga 'yan, Bryan. Baka mahulog tayo sa hagdan," pagsuway ko kay Bryan dahil patuloy ang pang-aakit niya sa aking leeg. Panay ang halik niya rito na nagbibigay sa akin ng kiliti, saka siya tatawa.
"Na-miss ko lang naman ang asawa ko," wika ni Bryan na may malaking ngiti.
Tila may kung anong bagay ang nais lumundag sa aking puso. Napakasaya ko at napakasarap sa aking tainga marinig ang bagay na iyon. Hindi ko mapigil ang pagluha ng aking mga mata dahil sa tuwa. Otomatikong naitakip ko pa ang aking kamay sa aking labi dahil sa kumakawalang hikbi sa aking labi.
Sa pagdating namin sa silid, nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang mabilis na kabigin ni Bryan ang aking katawan, dahilan upang mapahiga ako sa kanyang ibabaw.
"I love you," wika ni Bryan na mas nagpabilis ng t***k ng aking puso.
Hindi ko akalain na sa tagal ng pahanon, muli kong maririnig ang salitang iyon. Napakasarap sa tainga.
Marahan kong inangat ang aking ulo mula sa pagkakadagan sa kanyang dibdib, dahilan upang magtama ang mata naming dalawa.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang halikan nang mariin ni Bryan ang aking labi. Animoy sabik na sabik ang mga halik niyang iyon. Marahil ay pareho ko, sabi na sabik na rin siya sa akin.
Hindi ko lubos maisip na pinagdudahan ko siya nitong nakaraang araw. Paano ko nagawa iyon sa aking asawa? Pakiramdam ko ay napakasama kong tao dahil sa ginawa kong pagdududa.
Marahan niyang hinawakan ang aking balikat, saka animoy sanggol na maingat akong hiniga sa aming kama. Pinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang init ng halik sa pagitan naming dalawa. Unti-unti kong nararamdaman ang nanunumbalik na pagmamahal sa pagitan naming dalawa na labis kong kinasasabikan.
Ito ang mahal kong si Bryan, ito ang asawa kong matagal ko nang kinasasabikan.
Nagsimulang gumapang ang kanyang kamay patungo sa aking dibdib, hanggang sa maya-maya lang, namalayan kong natanggal na niya ang kawit ng aking pangloob.
Napaliyad ang aking likod nang maramdaman ko ang paglalaro ng kanyang kamay sa aking n*pple. Matapos iyon ay naghiwalay ang aming labi at tinungo niya ang kabila kong dibdib. Animoy sabik na sanggol ang ginawa niyang pagsipsip sa ibabaw ng aking dibdib.
"Aaaahhh~"
Mariin akong napakagat sa aking labi nang tumakas ang maliit na ungol mula rito. Nagsimulang uminit ang aking katawan ang naramdaman ko ang pamamasa ng aking p*gkababae.
Pakiramdam ko ay may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan dahil sa sunod-sunod niyang paglalaro sa aking magkabilang dibdib. Hanggang sa maya-maya lang, namalayan ko na lang na kapwa wala na kaming saplot.
"I love you," muling bulong ni Bryan sa aking tainga.
Napakatamis nitong pakinggan at sa bawat bigkas niya nito, hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.
Sinimulan niyang paghiwalayin ang aking mga hita, dahilan upang tumambad kay Bryan ang aking kaselanan.
"You look beautiful," aniya habang diretsong nakatingin sa aking katawan.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit halatang nasa ilalim pa rin siya ng espirito ng alak, ngunit ayos lang dahil nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa 'kin.
Mariin akong napapikit nang simulan niyang ipasok ang kanyang p*gkalalaki sa akin. Hindi na ako birhen ngunit tila birhen pa rin ako dahil sa sakit na naramdaman ko.
Sa pagpasok nito ay hindi na siya naghintay pa ng ilang minuto dahil parang sabik na hayop siyang umulos sa aking ibabaw.
"Aahh... uuuhhh..." sunod-sunod kong pag-ungol. "S-Sandali, m-masakit, aahh," wika ko ngunit tila wala siyang narinig dahil patuloy pa rin ang paggalaw niya sa aking ibabaw.
Dahil ayokong masira ang momentum ng aming pagiging isa, tiniis ko ang bagay na nararamdaman, hanggang sa maya-maya lang ay napalitan ang sakit ng sarap.
Mariin akong napayakap sa katawan ni Bryan. Naririnig ko ang sunod-sunod niyang paghingal mula sa aking tainga.
"I love you," muli niyang wika.
"I love you too, Bry–"
"I love you, Samantha."
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na sinabi ni Bryan. Inulit pa niya ito at sa pagkakataong iyon, mas malinaw ang pangalang sinabi niya, Samantha.
S-Sino si Samantha?
Nais ko siyang itulak palayo sa aking katawan. Nais ko siyang sampalin dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, ngunit hindi ko ginawa. Bagkus, mahigpit ko pa siyang niyakap habang nararamdaman ang paglabas masok niya sa akin. Habang patuloy niyang binabanggit ang pangalan ng ibang babae. Habang sunod-sunod ang paggapang ng luha sa aking mga mata.
Hindi. Hindi ito totoo hindi ba? Baka lasing lang siya. Baka naman, mali lang siya ng nabanggit na pangalan.
Patuloy lang akong nagpikit-mata kahit harap-harapan na niya akong niloloko. Lahat tatanggapin ko dahil mahal ko siya, dahil asawa ko siya. Kakayanin ko ang lahat ng sakit.
Matapos marating ni Bryan ang rurok ng kanyang pagnanasa, humiga siya sa aking tabi na parang walang nangyari at tuluyang natulog. Ako naman ay walang naramdamang kahit ano. Pakiramdam ko ay manhid na ang aking katawan, maging ang pakikipagniig ko sa kanya kanina ay wala nang epekto sa akin, marahil ay mas nakatuon ako sa sakit ng akong puso.
Dahan-dahan akong umupo sa aming higaan. Nilingon ko ang ngayong natutulog na si Bryan saka marahang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri.
Hindi ko namalayan ang paggapang ng luha sa aking pisngi kaya mariin ko itong pinahiran, ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin matapos ang pagluha ng aking mata.
Niyakap ko ang aking sarili at niyuko ang ulo sa tuhod, saka ko doon kinubli ang mabibigat na hikbing lumalabas sa aking labi.
Alam kong ang tanga-tanga ko. Ngunit kung kailangan kong magpakatanga, gagawin ko.