Andrea Matapos kong itupi ang huling damit at nilagay sa maleta na aking dadalhin sa pag-alis, marahan ko na itong sinara at inayos ang sarili. "Where are you going?" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang isang tinig ng lalaki. Bumungad sa akin si Marco habang nababakas ang pagtataka sa kanyang mukha. "Sabi mo pwede na kong ma-discharge. I am planning to start my life again," sunod-sunod kong paliwanag sa kanya. Binuhat ko ang aking maleta saka ngumiti sa lalaking nakatayo sa aking harapan. "I guess this is goodbye, Doc. Marco. Maraming-maraming salamat sa ginawa mo para sa 'kin. Tatanawin kong malaking utang na loob ang bagay na iyon," muli kong wika. Matapos iyon ay nilahad ko ang aking kamay sa kanya. Tiningnan naman ni Marco ang aking kamay habang nakakunot ang noo. Hindi ko