JANE'S POV "Jonas Alcantara.,hijo masaya akong makita ka dito? Magka kilala ba kayo ng anak ko?" Tanong ng Ama ni hubby na papalapit sa kinaroroonan namin. "Hindi po Tito, sinama lang po ako ng fiancé ko para ipakilala sa mga kaibigan niya". Sagot ni Jonas sa Ama ni hubby at muling tumingin sakin. "Pigilan mo ako wife, tutusukin ko na talaga ang mata niya nitong hawak ko". Bulong ni Jake sa taenga ko habang mariin na tinutusok ang tinidor na hawak nito sa plato. "Sige hubby, tusukin mo na. Dukutin mo pa para mawalan na ng mata". Natatawang bulong ko rin sa kanya kaya napa taas siya ng kilay. "Aba..hindi mo man lang ba ako pipigilan?" Medyo napalakas ang boses niya kaya naagaw namin ang atensyon nila". Nakapameywang pa ito at naka taas ang kilay habang sinasabi yun. "Ssshhh hubb