JAKE'S POV "Kuya, ilayo niyo muna ang mga anak ko". Walang emosyon na sambit ni wife. Agad naman napamura si Mico sa kanyang narinig. Nakikita sa kanyang mukha ang matinding tensyon. "Yaya, dalhin niyo muna ang mga bata sa kwarto". Baling nito sa mga yaya ng mga anak ko kaya binigay ko na rin ang Prinsesa ko. "Baby girl, ano bang nangyayari? Pwde ba huminahon ka muna?" Ani nito habang papalapit kay wife na walang emosyon ang mukha habang naka tingin kay Beatrice na prenteng naka upo sa sofa. "Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni wife at bakas ang galit sa tono nito. Napa lunok si Beatrice ng sariling laway. Nakikita sa mukha nito ang takot pero pilit pa rin na ngumiti. "May magandang ibabalita lang sana ako". Naka ngiti nitong sambit habang naka tingin sakin at kumindat