Jessie’s POV “Good morning my wife” napabaling ako ng aking katawan nang marinig ang malamig na boses ni Kael sa aking gilid. Ang mainit na hininga niya ang kaagad na bumungad sa aking tainga. Hindi ko maiwasan maigalaw ang aking mukha at sa halip na imulat ko ang aking mga mata ay mas lalo ko lamang iginiit ang aking atensyon sa malambot na unan nitong hinihigaan kong malambot na kama. Ito na ang palaging bumungad sa akin tuwing umaga kaya nasananay na ako. Nasanay na akong ang malutong, malamig at mainit na boses ni Kael ang palaging bumubungad sa aking sa tuwing gumigising ako s aumaga. Sa pamamagitan ng kaniyang mainit na hininga ay para itong isang kapeng nagpapainit at nagpapabuhay sa aking umaga. Pakiramdam ko ay hindi kompleto ang tulog kung wala ang mga ito—ang kaniyang boses, h