Jessie’s POV Marahan kong pinalis ang mga luha kong ngayon ay bigla na lamang bumagsak mula sa aking mga mata. Sa puntong ito ay nakatingin lamang ako sa presensya ni Kael. Alam kong sa puntong ito ay wala pa rin siyang malay sa nangyayari. Nakabukas nga ang kanyang mga mata ngunit alam kong hinding-hindi niya ako napapansin ngayon sa kanyang harapan. Matinding sakit ang siyang nararamdaman ko sa puntong ito. Pakiramdam ko ay parang tuluyang hinihiwa ang aking puso. Pakiramdam ko ay hindi ko ay tuluyan nang tumigil sa pagtibom nitong aking puso at hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ang paganahin ito matapos ang pangyayaring ito ngayon. “Patawad, Kael ngunit kailangan ko itong gawin. Maaaring masakit para sa akin ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat. Hinding-hindi k