Nagpatuloy ako sa mabilis kong paglalakad patungo sa pinto ng silid niya lalo na nang maramdaman ko rin ang mabilis niyang pagsunod sa akin. "Baby!" Palabas na sana ako ng pinto nang bigla niya na lamang akong binuhat at muling ibinalik sa kama niya. "Lalabas na ako!" Mas lalo pa akong napahikbi habang pilit na umaalis mula sa pagkakayakap niya sa akin. Ngunit para bang sin-tigas ng mga bato ang braso niya at hindi man lang ito makalas-kalas mula sa akin. "Sorry na nga. Mali naman kasi 'yong iniisip mo, hindi gano'n 'yon. Hindi ako galit. Hindi kita pinaaalis." "Aalis na lang ako dito." Pilit ko pa ring binaklas ang mga braso niya mula sa akin habang tumutulo na ang mga luha ko sa pisngi. "No! Hindi ka aalis, walang aalis! Baby, please. Pakinggan mo naman muna kasi ako." Mas lalo l