Chapter 2

2382 Words
Tuwang-tuwa si Jas habang papalabas ng university compound. Dala-dala niya ang letter of recommendation ni Dean Buenaventura. Recommended siya ng Dean bilang isang tutor at pag natanggap siya ay solve na ang medication ng kanyang tatay. “Jas!” Nilingon ng dalaga ang tumawag. Talagang kahit kailan smiling face ito at matikas at hindi pahuhuli sa mga tinaguriang hunks ng kanilang university. “Ikaw pala Alfred.” Ang luwang ng ngiti nito sa kanya na ginantihan niya rin ng ngiti. “Sabay na tayo,” anito at sabay na nilang binaybay ang patio palabas ng gate. “Kumusta na pala ang tatay mo?” wika na binata. “On recovery na siya,” sagot ni Jas. Masugid niyang manliligaw ang binata mula pa noong high school. Mabait, gentleman at masipag ito. Mga katangian na hinahangan niya dito. Hindi pa niya ito sinasagot dahil pangako niya sa mga magulang na hindi muna magbo-boyfriend hanggang hindi siya tapos sa kolehiyo. Kilala nila ang pamilya ni Alfred kaya naman boto dito ang kanyang mga magulang kaysa sa ibang umaaligid sa kanya. Bumigat ang dibdib niya ng maalaala ang nangyari sa kanya. Nakaramdam siya ng awa kay Alfred. Paano pa niya ito sasagutin kung sa simula pa lang ay parang niloko na niya ito. Alam nito na kahit kailan ay hindi pa siya nagka-boyfriend. Kung magiging asawa niya ito ay malalaman nito na hindi na siya birhen. Nanikip ang dibdib niya at pinigilan ang mapaiyak. Napansin ng binata na malungkot ang dalaga, “Jas, huwag mong masyadong dibdibin ang problema, malalampasan nyo rin yan.” Pilit na ngumiti si Jas, “Alfred salamat.” Kung alam lang ni Alfred na mayroon pa siyang ibang problema bukod sa tatay niya. Kumakatok si Jas sa isang malaking gate ng magarang mansion. May lumabas na isang kasambahay. “Magandang araw po, ito po ba ang bahay ni Mrs. Jelyn Archangel?” magalang niyang tanong. “Ito nga po. Ikaw po ba yung tutor?” magalang ding wika ng kasambahay. Ngumiti si Jas sa kausap,“Opo. Ako po si Jasmine.” “Pasok ka, hinihintay ka na ni Madam.” Iniawang ng kasambahay ang maliit na gate. Sumunod siya sa kasambahay. Napanganga siya sa paghanga sa ganda ng modernong mansion. Larawan ng kasaganaan at karangyaan sa buhay ang nakikita niya. Sa kabilang bahagi ng garden ay may gazebo at tanaw niya na mayroon din itong malawak na swimming pool. Ang lawak ng garahe na may nakaparadang mga sasakyan at mukhang mamahalin ang mga iyon sa hitsura pa lamang. Pinaupo siya ng kasambahay sa sala na sa sobrang luwang nito ay puwedeng magkasya ang buo nilang bahay isama na pati maliit nilang bakuran at garahe ng taxi ng tatay niya. May mga paintings ding nakasabit sa dingding at tiyak gawa ito ng mga premyadong pintor. Maya-maya pa ay nakita niyang may babaeng pababa sa grandiyosong hagdan. Tingin niya ay kasing-edad ito ni Dean Buenaventura, mestiza ito at makikita sa bihis nito ang pagka-aristokrata at kagalang-galang. Hula niya na iyon na ang taong hinahanap niya. Tumayo siya at nagbigay galang, “Good morning Ma’am. Ako po si Jasmine Domingo, ang ni-recommend ni Mrs. Patrice Buenaventura bilang tutor.” Napansin niya ang pagkunot ng noo ng kaharap ng tumitig sa kanya. “Good morning,” wika nito. Iginiya siya nito na maupo uli at naupo din ito sa kanyang harapan. “Graduating ka na pala,” sabi nito habang binabasa ang kanyang bio-data. “Yes Ma’am,” kinakabahang sagot ng dalaga. “Okay Jasmine, ganito ang magiging trabaho mo. I have a niece living with me right now. She needs a tutor and at the same time someone who can attend to her needs like school activities and other activities if required. Now, I want to know your class schedules,” wika ni Mrs. Archanghel. “Eh Ma’am, MWF po 4:30 ako pwede, TTHS sa hapon at Sunday pwede po akong whole day.” Lihim na nagdarasal ang dalaga na sana ay matanggap siya. “Since recommended ka ni Pat, I think hindi niya ako bibigyan ng hindi ko pagkakatiwalaan. MWF 4:30 to 6:30, TTHS and Sunday 1:00 - 5:00. You will be receiving Php20,000 a month. Is that okay with you?” wika uli ni Mrs. Arkanghel. “Po!” Nagulat si Jas sa laki ng sahod. “Y-yes Ma’am, o-okay po sa akin.” Halos magkanda-utal-utal siya sa pagsagot. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil malaking bagay ang sasahurin niya sa kanyang pamilya. “You can start tomorrow. Marta, pakitawag si Samantha,” baling ni Jelyn sa maid. Ilang saglit ay bumaba sa hagdan ang maid kasama ang isang bata. “Sam, I want you to meet Teacher Jas. She will be your tutor,” pagpapakilala ni Jelyn sa dalawa. “Hi Sam,” nakangiting bati ni Jas sa bata. “Hi,” nahihiyang ngumiti din ang bata. Pinagmasdan ni Jas ang bata. Matangos ang ilong, maamo ang mukha at mapupungay ang mga mata, maputi at alon-alon ang buhok. “Sam, say goodbye to Teacher Jas. You will see her tomorrow,” wika ni Jelyn at saka tumayo mula sa upuan. Tumayo na rin si Jasmine at nagpaalam, “Thank you po Mrs. Archangel.” “Call me Jelyn,” nakangiti nitong wika. Nagulat man ay masaya si Jas sa tinuran ng kaharap. Hindi niya inaasahan na magiging magaan ang pakikipagharap sa kanya ng tita ni Sam. “Thank you po Mam Jelyn, bye Sam,” nakangiting kumaway si Jas sa bata. Nakalabas na ng gate ang dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa tatanggapin niyang sahod. Nakaplaster ang ngiti sa kanyang mukha. ‘Ang laki ng sahod ko. Solve na ang mga gamot ni tatay’. Dumating ang unang araw ni Jas bilang tutor. Natanaw agad niya si Sam at mukhang naghihintay talaga sa kanya. “Hi Sam,” masiglang bati niya sa bata. “Hi Teacher Jas,” ngumiti din si Sam. “Sam, ready ka na?” Hinawakan niya ito sa kamay. “Come, saan mo gusto kitang turuan?” Hindi pala niya naitanong kung saan ang children’s room ng bahay kung meron man. “There! Let,s go!” inakay siya sa kamay ng excited na si Sam. Natuwa siya sa bata at mukhang malambing at sa tingin niya ay magkakasundo sila. Pumasok sila sa isang room at lahat yata ng kailangan niya sa pagtuturo ay nandoon na. May bookshelf na puno ng children’s books at DVDs, may television at dvd player pa. ‘Iba talaga pag mayaman’ wika sa isip niya. Pumuwesto agad si Sam sa mesa at naupo. Lihim siyang natuwa, mukhang hindi ito makulit katulad ng ibang kindergarten pupils na nakikita niya. “Sam, before we start the proper lesson, magkuwentuhan muna tayo ha.” Gusto muna niyang makuha ang loob ng bata. “Sam, tell me about your favorites, likes and dislikes.” “Hmm..” Humawak pa si Sam sa kanyang baba at nag-isip. “My favorite colors are pink and yellow, favorite foods... Fried chicken… pizza… doughnut… strawberry icecream. Favorite subjects... Math and Science. I like rides and I don’t like bad girls. How about you?” balik-tanong ng bata. “Me? I like any food,” sagot naman ni Jas. Mahirap lang sila kaya hindi uso sa pamilya nila ang mapili sa pagkain. “I don’t like high rides and bad girls too.” “Sam, tingnan natin ang mga ginawa mo sa school, meron bang mahirap sa’yo?” Ipinakita naman ng bata ang mga ginawa nito sa school at nakita niyang magaganda ang mga marka ni Sam, ibig sabihin ay matalino ito. “Wow, very good ka pala.” hinagod-hagod niya ang ulo na bata. Lumuwang ang ngiti ni Sam, “Really! I am very good?” “Yes, you’re very good," sagot ni Jas sa bata na tinapik-tapik pa ang balikat ng bata. "Ganito ang gagawin natin, mag advance study tayo para sa susunod na lessons n'yo. Okay?” “Okay!” excited na sagot ni Sam. Nakagiliwan agad ni Jas si Samantha at naging madali ang pagtuturo niya sa bata dahil bukod sa masipag ito mag-aral ay masunurin din ito. Nalalapit na ang kanilang graduation kaya bukod sa pagiging tutor ay busy na rin si Jas sa pagsasaayos ng mga requirements niya para sa graduation. Handa na rin ang kanyang application letters at resumé para makapag-email sa mga schools. Kung saan siya papalarin ay doon muna siya magtuturo. Naisip niya si Sam, mami-miss niya ito kapag nagtuturo na siya. Kung tutuusin, malaki ang sahod niya bilang tutor ng bata pero gusto niya magka-experience bilang teacher. Yun ang dream niya, ang maging isang mahusay na teacher. Masaya siya at na-maintain niya ang kanyang grades. Tuwang-tuwa rin ang mga magulang at mga kapatid niya ng malaman na Cum Laude siya. Palabas na siya ng campus ng may tumawag. “Jas, wait.” Tumatakbong palapit sa kanya si Alfred. “Alfred, ikaw pala.” Nakangiting bati niya sa binata. Halata ang excitement sa mukha nito. “Pauwi ka na ba? Imbitahin sana kitang kumain sa labas.” “Sige, hindi naman ako nagmamadali.” Sang-ayon niya sa request nito dahil matagal na rin silang hindi nagkakausap mula ng maging busy siya sa pagiging tutor. Sa isang fast food chain sila kumain ni Alfred. “Pasensiya ka na Jas, ito pa lang ang kaya ko. Hayaan mo kapag may trabaho na ako, sa five star hotel tayo kakain. Congrats nga pala ha, graduating with cum laude honor. Naks naman,” masayang bati ng binata sa kanya. “Thank you at congrats din sa’yo. Cum laude ka din and soon to be an Accountant,” ganting bati ni Jas sa binata. Mataas ang pangarap nito at pareho lang sila na simple lang ang buhay na pilit iginapang ng mga magulang para makapag-aral sa kolehiyo. Biglang nanahimik si Alfred. Tumigil ito sa pagkain at tumitig sa kanya. “Jas.” Hinawakan nito ang isang palad niya. “Jas, Kelan ko ba malalaman ang sagot mo?” Alam ni Jas kung ano ang tinutumbok ni Alfred. Ang sagot niya sa matagal ng panliligaw nito. Parang nabarahan ang lalamunan niya. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. “Alfred, ano kasi.” “Jas, sana naman sagutin mo na ako.” Sa tono ng salita ng binata ay talagang umaasa ito ng positibong sagot. Lalong bumigat ang dibdib ng dalaga. Aminado siya na hindi malalim ang pagtingin niya dito pero napakabait nito at ayaw niya rin itong masaktan. Kailangan na sigurong maging matapat siya, “Alfred, Mabait ka... a-at wala akong maipipintas pa sa’yo.P-pero sana wag kang magagalit o magtatampo sa akin.” Huminga muna siya ng malalim, “dahil yong sagot na gusto mo ay di ko maibibigay sa’yo. Sorry Alfred, pero maging magkaibigan na lamang tayo.” Naramdaman niyang lumuwag ang hawak ni Alfred sa kanyang palad. “Mahirap ba akong mahalin, Jas?” Gumaralgal ang tinig ni Alfred. Kitang-kita ni Jas ang sakit sa mga mata nito. Lalo naman siyang nakunsiyensiya ngunit nais niyang maging matapat dito. “Alfred, you deserve someone better, believe me darating siya.” “Pero ikaw ang gusto ko.” Kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata nito. Halatang pinipigilan ang maiyak sa harap niya. “Alfred, subukan mong tumingin sa iba. Maraming magaganda at deserving na mahalin. Let’s be friends na lang, please?” nakikiusap ang tono niya. “Bakit Jas, may iba na ba?” Lalong gumaralgal ang tinig nito. “Ayokong umasa ka. Ang gusto ko bigyan mo ng chance ang sarili mo.” Meron na nga bang iba ang puso niya? Kahit siya ay nalilito na. “Paano kung ayaw kong tumigil? Hangang hindi ko nakikita na may nobyo ka ay magpapatuloy ako sa panliligaw sa’yo.” Malungkot ngunit determinadong wika ni Alfred. “Alfred, ayokong masaktan ka, please naman,” nakikiusap na sagot ni Jasmine. “Please, Jas. Hayaan mo na lang ako.” may himig pakiusap din ang tono ng binata. Napabuntunghininga na lamang ang dalaga dahil talagang determinado ang binata. “Buti pa umuwi na tayo,” nawika na lamang niya. Nagpatuloy si Jas sa pagiging tutor kay Sam. Pati sa pamamasyal ay sinasamahan niya ito. Sa garden habang nasa gazebo sila ni Sam at nagbabasa siya ng fairy tale story dito. “Teacher Jas, can you attend to my graduation?” malambing na wika ni Samantha. “Why Sam? I mean your daddy will surely come to your graduation.” Nawika niya kay Sam dahil ayon kay Jelyn ay pauwi na ang daddy nito. “But Daddy is away,” sambit ni Sam na nakapangalumbaba pa. “Don’t worry. Perhaps your Tita Jelyn will attend,” pag-alo niya sa bata. “But I want you to be there.” Lumapit ito sa kanya at yumakap. Naawa siya sa bata kaya naisip niya na pagbigyan ang hiling nito. “Ok, sige, I’ll be there.” “Yes!” Tumalon pa Si Sam bago bumalik sa upuan. Muli na naman itong nangalumbaba. “Teacher Jas, masaya ba ang may mommy?” “Oo, masaya kasi may nag-aalaga sa’yo, may nagmamahal. Bakit mo naman naitanong yan?” Napatingin siya sa malungkot na mukha ng bata. “Kasi po ako walang mommy.” Nalungkot lalo si Sam. “Why, nasaan na si mommy?” Malambing niyang sinuklay ang alun-alon nitong buhok. “Nasa heaven na po.” Mukhang iiyak na si Sam “Don’t be sad, kahit nasa heaven na siya ay love ka pa din ng mommy mo at saka may daddy ka naman, diba?” Niyakap niya ito at hinalikan ang buhok. “Lagi naman akong iniiwan ni Daddy.” Napahikbi na si Sam. “Why are you crying baby?” Isang malambing na boses lalaki ang narinig nila. Kinabahan si Jas ng marinig ang boses ng bagong dating. “Daddy!!!” Sigaw ni Sam sabay takbo at iniwan si Jas. “How’s my baby? I missed you so much,” sabik na wika ng bagong dating. Dinig ni Jas ang katuwaan ni Sam. Unti-unting lumingon si Jas at nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. “Teacher, teacher! Ang Daddy ko oh!” wika ng tuwang-tuwa na si Sam habang hatak-hatak ang ama palapit sa kanya. Hindi makapagsalita si Jas, para siyang tuod at umurong ang dila. “Ikaw?” tanging nausal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD