JOYCE POV
KINABUKASAN, maaga kaming nagising ni Joy. Nakita pa nga namin si Mama na mahimbing ang tulog habang may yakap na quadro gin. Hinayaan namin siya at basta na lamang kaming umalis, maaga kaming pinapapunta ni ate Leah sa eatery niya, para mapakilala kami sa pinsan niyang nagta—trabaho roon sa bar, Sweet Bar ang pangalan.
“Ate, tatanggapin kaya tayo roon? I mean, turning 20 ka na po this year and ako naman po ay 18 na ngayong taon.”
“Huy, huwag kang nega, Joy! Matatanggap tayo roon, okay? May experience naman na tayo, ʼdi ba? Doon sa eatery ni ate Leah! Taga—hugas at taga—serve na tayo! Kaya matatanggap tayo, Joy!” sabi ko sa kanya.
Nakarating na kami sa eatery ni ate Leah, kadarating lamang niya galing sa pamamalengke, para sa lulutuin nila ngayong gabi.
“Joyce and Joy! Dʼyan muna kayo, ha? Papunta na iyong pinsan kong si Jenevie!”
Tumango na lamang kami sa kanya. “Okay po, ate Leah. Salamat po.” Naghintay kami rito sa sala nila, nakatingin lamang kami sa bahay nila.
Ganitong bahay ang gusto ko, maayos. . . Iyong hindi tumutulo ang bubong at higit sa lahat hindi masikip.
“Ang ganda talaga ng bahay nila ate Leah, ate Joyce. Sana ganito rin bahay natin,” bulong ni Joyce sa akin.
“Soon. Kaya dapat tayong magpursige, Joy. Then, ibabalik pa kita sa college. Kailangan mong magtapos, maging si Jimboy. Kailangan mag—iipon talaga ako para sa inyo.”
“Paano naman ikaw, ate Joyce? Gusto mo ring maging Chef, ʼdi ba po?”
Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. “Kayo na muna, bago ako. Iyon ang pinangako ko kay Papa, magtatapos kayong lahat,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Naghintay muli kami hanggang may kumatok sa pinto nila ate Leah, kaya nakita namin siyang naglalakad nang mabilis palapit sa main door ng bahay nila.
“Oh, ikaw na pala iyan, Jenevie!” Napatingin siya sa amin. “Nandito na sina Joyce and Joy na tinutukoy ko sa chat sa iyo,” sabi niya.
Binuksan niya lalo ang pinto nila, nakita namin ang maganda at sexy na isang babae na pumasok. Tinignan niya kami. “Hello, ako si Jenevie! Payag ba kayong maging waitress and table girl sa Sweet Bar?” tanong niya agad sa amin.
“Jenevie, akala ko ba Waitress ang parehong hinahanap niyo?”
“May na—hire ng isa kahapon. Late ko ng nabasa ang chat mo. Kaya isang Waitress and table girl na lamang ang need namin.”
Tinignan kami ni ate Leah. “Um, ayos lang po sa amin, ate Leah. . . Basta may trabaho po kami. Si Joy na lamang ang maging Waitress, ako sa table girl!” singit ko sa kanilang usapan.
“Are you sure, Joyce?”
Tumango ako kay ate Leah. “Oo naman po. Kaya ko po iyon, huwag po kayong mag—alala,” pagpapanatag ko sa kanya.
“Oh, ayos lang pala sa kanya! So, tara na! Samahan ko na kayo sa Sweet Bar para ma—interview kayo ng Manager namin!”
Napatayo ako. “Um, wala kaming dalang documents. . . Except sa barangay ID and birth certificate namin, Jenevie,” sabi ko sa kanya.
“Wala iyon! Okay na iyan! Come on, sumama na kayo sa akin! Ako ang bahala dahil ako ang Manager, okay?” Niyaya na niya kami, kaya sumama na kami sa kanya.
“Ingat kayong dalawa, Joyce. I—text niyo ko kapag natanggap kayo.”
Tumango ako kay ate Leah. “Thanks po muli,” sabi ko at sumunod na kay Jenevie, mukha naman siyang mabait.
Nakarating kami sa Sweet Bar, malaki ang parking lot sa harap nito kaya pumasok na kami at mas maganda rito sa loob, light pink and light blue ang color nito na maganda sa mga mata namin, para hindi bar ito at mukha siyang playground pa.
Pumasok kami sa isang kʼwarto na kulay pink at nakita ang name ni Jenevie roon, hindi nga siya nagsisinungaling, siya ang Manager. Naupo siya sa kanyang pʼwesto at tinignan niya kami, sinenyasan niya kaming maupo sa kanilang harapan.
“Ako ang mag—i—interview sa inyo, Joyce and Joy. So, ikaw ang table girl at si Joy ang Waitress? May tiwala naman ako sa pinsan kong Leah. Alam kong maaasahan ko kayong dalawa. Ang sahod ay kada 10 and 20 ng buwan. Seven thousands sa Waitress and nine thousands naman sa table girl, depende pa kung bibigyan ka ng tip ng lalaking tinable ka,” paliwanag niya sa amin.
“Naiintindihan namin, Jenevie.”
“Kaya mo bang mang—akit? Iyon ang trabaho ng table girl, Joyce! Huwag kang mag—alala, hindi kami puputsuging bar lamang, katulad sa iba! Kaya ang mga parokyano namin dito ay mayayaman din at malilinis!” saad ni Jenevie sa akin.
Wala naman na akong pagpipilian pa.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Kaya ko, Jenevie. Pangako, gagawin ko ang makakaya ko once na ma—i—table ako.” Desidido na ako.
“Ako rin po, ate Jenevie! Kaya ko rin pong maging Waitress! Yakang—yaka namin iyan, lalo naʼt na—train kami sa eatery nila ate Leah!” sabat din ni Joy.
“Asahan ko ang mga iyan! Pirmahan niyo na ito.” Binigay niya sa akin sa amin ang contract. Binasa ko muna iyon bago namin pinirmahan.
“Congratulations, Joyce and Joy! Welcome to Sweet Bar! Sana maging masaya ang pagta—trabaho niyo rito.” Tumayo siya at sinenyasan niya kaming sumunod sa kanya. “Sasamahan ko kayong pumunta sa locker room niyong mga babae, para sa table girl at sa Waitress, iisa lamang ang locker niyo at malaki iyon.” Tumango kami sa kanya.
Nakarating kami sa locker room na sinasabi niya. Nakita ko roon ang ibang babae na nandito na. “Maaga ang mga iyan. Actually, alas—siyete ang start ng bar natin, pero ang iba ay pinipiling maaga para magpractice ng sayaw, sila ang mga dancer natin dito,” sabi niya sa amin. “Girls, may bago kayong kasama! Sina Joyce and Joy, magkapatid sila. Table girl and Waitress ang trabaho nila, kayo na bahala magpaliwanag sa ibang need na malaman nila, ha?” Tinuro niya kami.
Yumuko kami ni Joy sa harapan nila. “Nice to meet you po!” sabay naming sabi.
“Welcome sa Sweet Bar! Chill lang kayo, ha? Masayang mag—trabaho rito kaya huwag kayong kabahan, okay? Mag—enjoy lang kayo! By the way, ako si Mayline, dancer ako rito!”
Naramdaman kong mababait silang lahat.
Tumagal ang ilang oras ay nakasuot na ako nang sexy dress, ngayon din ang first day naming dalawa ni Joy. Wala naman problema dahil mababait ang mga kasama namin, lalo na sina Jenevie, Mayline, Lady and Racquel. Hindi nga lang ako sanay sa suot ko ngayong, bunny outfit, heto ang theme ngayong buwan, sobrang ikli sa akin hanggang sa aking gitnang hita lamang ang haba nito at ang cleavage ko ay kitang—kita, mabuti na lamang ay malulusog ang aking s**o.
“Wow, bagay sa iyo ang suot mo, Joyce! Lumabas ang sexy mong katawan. For sure maraming gustong i—table ka tonight lalo naʼt new ka rito!” manghang sabi ni Racquel sa akin.
“Thanks, Racquel!” Parehas kaming table girl.
Kami na lamang ang nandito, mga table girl dahil ang mga waitress ay nasa labas na para kumuha ng mga order sa mga tao roon. Tatlong oras naʼng magbukas ang Sweet Bar, nandito pa rin ako sa loob at ang ibang table girl katulad ni Racquel ay wala na rito.
Wala yatang may gusto sa akin.
“Joyce! Come on! May gustong kumausap sa iyo sa VIP room, sa second floor!”
Tinignan ko si Jenevie, siya ang nagtatawag sa amin kapag may gustong i—table sa amin. “V—VIP? A—anong meaning nuʼn?” tanong ko sa kanya at napalunok ako dahil doon.
“Gusto niya ng privacy with you, Joyce! Bago lamang iyong lalaking gustong i—table ka. But, nag—background check na ako about him, Magnus Wilder, CEO of Wilder Builder Corporation, 38 years old and single and no child. Thatʼs all, Joyce.”
Tumango ako sa kanya. “Thanks, Jenevie!”
“No worries. Umakyat ka na sa second floor, room 4. Do your job!” Tinapik niya ako na siyang kinatango ko.
Magnus Wilder. Sounds nice name.