Chapter 37: Living Together

1789 Words

Halos isang linggo na rin si Gwen mula nang dalhin siya ni Renz sa isla nito. Mabuti na lang at hindi napuruhan ang kidney niya sa dami ng nilaklak niyang gamot, ayon sa kaibigang doktor ni Renz, kailangan lang niya ng sapat na kain at pahinga ay magiging maayos na siya. Naghihikab pa siya nang bumangon at malanghap ang pagkaing niluluto. Napakunot-noo siya at nagmamadaling tinungo sa kusina dahil sa pag-aakalang dumating ang kaibigang si Ruth, ngunit napawi ang sayang nararamdaman nang makita kung sino ang abalang nagluluto sa kusina. Napahinto siya sa may pinto nang makitang walang-top na damit ang lalaki at sumasayaw-sayaw pa ito. Wala tuloy siyang magawa kundi ang pagmasdan ang maganda nitong katawan, mukhang alaga sa gym. Hanggang sa maya-maya ay sumayaw ito ng sexy at kita ang abs

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD