Chapter 26: The Party

2150 Words

Naging abala ang lahat sa sumunod na araw para sa nalalapit na kasal nina Blake at Gwen, walang pagsidlan ang saya ni Gwen nang sa wakas ay tila pumapabor ang lahat sa kanyang kagustuhan. "Masaya ka na ba?" sarkastikong saad ni Blake nang makita ang matamis na ngiti sa labi ng babae. "Of course, sino ang hindi sasaya kung papakasalan ko ang lalaking pinakamamahal ko at ang lalaking ama ng aking magiging anak," anito na hinipo-hipo pa ang impis pa ring tiyan nito. "Pinakamamahal mo?" uyam na wika ni Blake. "Did you think na ang lalaking sinasabi mo ay may ibang mahal?" aniya na kinapalis ng ngiti ni Gwen. Nagpupuyos sa galit ang mukha ni Gwen na humarap sa kanya. "Ibig bang sabihin niyan na hindi ka pa rin sang-ayon na pakasalan ako? So, bakit ka pa pumayag?" palatak ni Gwen kay Blake.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD