Ngayon alam na ni Feira na totoo ang sabi sa kaniya ni Tita Raine. Pinaglalaruan ba sila ng tadhana? Nung una wala siyang alam na mayaman ang Lola niya, pangalawa investor si Lola ng kumpanya nila Bella at Clay. Tapos ngayon sila Ryder naman. "Pumasok muna tayo sa loob." Ani Lola. Nauna itong pumasok naka-sunod lang sila dito. Kita niya na pinagmamasdan sila nina Clark at ng kambal. Si Ate Claire naman ay hindi na niya makita sa sala mukhang umalis na ito ng iwan nila ito kasama nila Bella. Siguro ay may inaayos ito. Sayang naman ayaw pa niya gumawa nang paraan para magkamabutihan sila ni Clay. Mukhang seryoso talaga ang paguusapan dahil pumasok kami sa Office ni Lola. Maluwag iyon pero mas malaki ang kwarto niya. Sinenyasan sila ng Lola niya sa sofa animo pinapaupo sila nito. Naupo si