Tahimik na nakaupo si Feira sa garden nila Clark- nagmumuni-muni. Iniisip niya ang lahat ng nangyari sa kanya pati na rin ang utang ng ina niya na kailangan niyang bayaran lalo na ang utang nito kay Aling Susana. Ilang oras na din siya nakaupo lang at tahimik na pinagmamasdan ang paligid niya. Iniwan siya ng kaibigan kasama si Clark kaya nag-iisa lang siya ngayon. Ang parents naman ni Clark ay umalis may emergency daw sa company ng mga ito, ang kambal naman ay pumasok sa eskwelahan kasama ni Adaline. She doesn't know where her parents are. Wala pa siyang balak pa na alamin muna sa ngayon. She wanted to take a break from her life, for a mean time. Oo magulang niya ang mga ito pero hindi nyo rin siya masisisi kung susukuan niya ang mga ito- pagod na kasi siya umintindi sa parents niya, pag