Ilang weeks nang under investigation si Trixie. Ayon sa resulta ay sangkot ito sa kalakalan ng droga sa Pilipinas. Tuluyan nang naligaw ang landas ng adopted sister nila. "Anong plano mo, kuya?" tanong ni Trina habang nakatayo sa gilid niya. "Pagbayaran niya ang kanyang mga kasalanan at hindi ako titigil hangga’t hindi siya naipapakulong." "These are confirmed results from my investigation. Kasama na rin dito ang kay Papa. Maaari ka nang mag-file ng case dahil nakahanda na kami ng laban kay Trixie.Mabigat na kaso ang ginawa niyang pagbaboy kay Shy at pagtatangka niya sa buhay ng kapatid ko. Sisiguraduhing kong hindi makakaligtas ang babaeng ‘yon." Ayon sa source nila ay nagtago sa China ang babae mula nang makatanggap ng pera galing kay Knight. Kumabit ito sa isang Chinese drug lord.