Nagkislapan ang mga camera nang may mga magtatangkang um-interview kay Shy. Ganoon pa man ay hindi iyon pinayagan ni Gabriel. Masyadong protective ang binata sa kapatid. Alam niya kasing may pinaplano si Trixie laban kay Shy kaya pumunta ng Europe ang babaeng ‘yon. Ilang kaibigan at kakilala ni Gabriel ang nagpakita ng matinding paghanga kay Shy. Tuloy ay lalo na itong binakuran ni Gabriel. Sa loob ng mansyon ay magkapatid sila pero sa labas ng mansyon ay magkasintahan ang pakilala nila sa isa’t-isa. Halos yumakap na siya sa kapatid buong oras. Nang tumugtog ang malamyos na musika ay agad na dinala ni Gabriel sa gitna ng dance floor ang dalaga. Sinayaw niya ito. Napakaraming kababaehan ang naiinggit kay Shy. Gusto namang matawa ni Shy sa kanilang pagpapanggap. Minsan, isang babae ang na