Pumasok na ang sasakyan ni Nissin sa bakuran ng asyenda. Napansin ko ang maraming tao. Mga trabahador siguro ng Hacienda Bustamante. Pakiramdam ko ay ang tagal huminto ng sasakyan namin. Parang gusto ko nang buksan ang pintuan at tumalon na palabas nito. Nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan, agad akong bumaba. Nakita kong humahangos pababa ng hagdan si Aling Delia, kaya sinalubong ko na siya. "Aling Delia, nasaan si Lola?" nanginginig ang boses na tanong ko agad sa kanya. "N-Nasa kuwarto niya," sagot niya sa akin, sabay turo sa direksiyon ng kuwarto. Kita ko sa mukha niya na galing siya sa pag-iyak. Hindi na ako nagtagal pa at agad na umakyat. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at derecho sa kuwarto ni Lola Martha. Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ko ang pintuan ng kuw