Nagkulong ako sa kuwarto ko. Iyong nangyari kasi sa pagitan namin ni Angelica kanina ay sobra-sobra. Pati si Dos ay pinauwi ko na muna sa Hacienda Lopez. Gusto ko munang mapag-isa. Kanina pa ako nagtataka. Saan nakuha ni Angelica ang ganoong ideya? Alam kong naikuwento at napatunayan na sa akin ni Lola Martha ang tungkol sa pagkatao ko. Pero hindi pa rin maalis sa akin na magduda at mag-isip. Sinabi lang ba ni Lola iyon para makapante at tumigil na ako sa pagtatanong? Si Tito Jazael nga ba talaga ang tunay na ama ko? Nakakapagod na. Pagod na pagod na ako. Pumikit ako nang mariin. I'm in pain again. That feeling came back again. Pakiramdam ko, ako na naman si Jazz noong six years old. Noong kinuha ako para maging anghel sa Santacruzan, pero iniyakan iyon ni Angelica, kaya sa mismon