Nagmamadali akong lumabas ng pintuan. Naunahan na naman niya ako na lumabas. "Marthina! Stop running!" Huminto naman sa pagtakbo si Marthina. Lumingon siya sa akin, at saka humarap. Pagkatapos ay malokong tumawa, at muling tumakbo. Napailing na lang ako. Palibhasa, alam niyang hindi ko siya kayang habulin. "Napakalokong bata. Manang-mana sa ama." Napalingon ako kay Aling Delia, na nakasunod na pala sa amin ni Marthina, at hinihingal pa dahil sa pagtangka nyang habulin ang anak ko. Wala sa loob na napangiti ako nang mabanggit niya ang ama ni Marthina. "Huli ka!" Sabay kaming napalingon ni Aling Delia nang marinig namin ang tili ni Marthina. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtawa, habang buhat siya ni Julian. "Ikaw, ganda... huwag mo pinapahirapan ang Mommy mo. Napaka-hyper mo, kab