CHAPTER 87 - TAGUAN

1805 Words

"Oh, Jazz. Eto na 'yung mga pinapakuha mong--" Napatigil siya nang makita ang ginagawa kong pag-eempake ng mga damit namin ni Marthina. "Saan na naman kayo pupuntang mag-ina?" "Sa Davao, Aling Delia." "Sa Davao? Ano naman ang gagawin n'yo sa Davao? Kasama n'yo ba si Dos? " nanlalaki ang mga mata na tanong uli ni Aling Delia. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, tapos ay nginitian ko siya, "hindi. Kami lang ng anak ko." "Ha? Alam ba ni Dos 'yan?" "Hindi rin. At ayaw ko nang ipaalam sa kanya." "Ano? Bakit? Nag-away ba kayo?" "Wala lang, Aling Delia. Mamamasyal lang kami ni Marthina. Change of environment. Medyo masikip na sa dibdib dito sa Zaragoza," tapos ay ipinagpatuloy ko ang paglalagay ko ng mga damit namin ni Marthina sa maleta. "Aba. Kalayo naman ng papasyalan ninyong mag-in

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD