Madilim ang aura na naglakad si Dos palapit sa pick-up ni Julian. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko para masigurong si Dos ang nakikita ko ngayon. Awtomatik namang nag-pamic ang buong sistema ko nang masigurado ko na si Dos nga ang naglalakad palapit sa akin. "Boyfriend mo, Mam? Di ba apo ni 'Nyora Cion 'yan?" "Oo. Si Dos Pierro," mabilis kong sagot kay Julian. "Mukhang galit, Mam. Baka mabugbog ako niyan." Hindi ko na sinagot si Julian at agad na akong bumaba ng sasakyan niya. Ang plano ko ay salubungin na agad siya at magpaliwanag. Pero dahil sa naka-apat na bote ng ako ng beer at nagmamadali akong bumaba, medyo nakaramdam ako ng hilo, kaya napahinto ako at napahawak sa pintuan ng sasakyan. "Are you okay?" Nakalapit na pala agad si Dos. Nag-angat ako ng tingin at saka bah