"Ready na kayong lahat, guys?" tanong ni Ricky sa amin habang isa-isa niya kaming tiningnan. "Yup!" sagot ni Sapphire. "All set!" sabi naman ni Yanna. "Okay na ko," si Vanilla naman. Kagabi pa natapos ang kasal at reception ni Angelica at Pablo. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na ngayong maagang-maaga na lang kami aalis dito sa Hotel Tierra. Halos nag-aagaw pa lang ang gabi at umaga. "Tara na, guys," malamig kong sabi. Hati ang damdamin ko sa pag-alis namin ngayon dito sa San Clemente. Masaya ako at hindi na ako mag-aalala na makita pa si Angelica at Papa. Pero malungkot din, dahil ito na ang huli kong pagtuntong dito sa San Clemente. Isinumpa kong hindi na ako babalik at magpapakita pa sa bayan na ito. Sayang nga lang at nadamay si Mommy at Fritz sa desisyon kong ito. Sunod-su