KABANATA 26:

2055 Words

Kabanata 26: Siguro nabigla si Rayven nang bigla na lamang akong humagulgol sa pag-iyak. Hindi ko na kasi napigilan pa ang kinikimkim kong sama ng loob, talagang sumabog na ako. Sa pagkabigla ni Rayven, mabilis niya akong niyakap. Hindi rin naman ako nakapalag sa yakap niya dahil nga sobra ang paghagulgol ko. Ang sikip sikip ng dibdib ko, pakiramdam ko ay nabibingi ako at ang mga mata ko ay nanlalabo na. Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko, hindi ko rin napigilan maging ang pagyakap ko pabalik kay Rayven. "Ayos lang iyan ma'am, magiging okay rin po ang lahat. Sige lang, iiyak mo lang." Hindi ko pinigilan ang bawat hagulgol ko, iniyak ko ang lahat ng gusto kong iiyak. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa dibdib ni Rayven, basta ang alam ko lang, naging kumportable ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD