Matias POV. Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang mabilis na tinatahak ang daan patungo sa restaurant na sinabi ni Pareng Edmund. Kanina pa ako hindi mapakali. Kaya naman pala dahil ang co-meeting ni Galderious ay ang Monteclaro na ‘yon. “Pareng M…” buntong-hininga ni Edmund mula sa passenger seat. “Business meeting lang naman daw.” “Business meeting?” napailing ako habang madiing nakatitig sa kalsada. “Bakit kailangang si Carl Monteclaro pa?” Tahimik siyang natawa. “Selos ka.” “Hindi ako nagseselos.” mabilis kong sagot. “Talaga ba?” tinaasan niya ako ng kilay. “Halos paliparin mo na itong sasakyan.” Hindi na ako sumagot. Dahil kahit ako alam ko ang totoo. Nagseselos ako. “Pareng M… kalmahan mo lang.” mahabang buntong-hininga ni Edmund habang patuloy ako sa mabilis na pagmama

