Matias POV. Tumigil ang mundo ko sa mismong sandaling makita ko ang batang karga ni Gladerious. Parang may humawak sa dibdib ko at mariing pinisil iyon. Mula sa malayo pa lamang… napuno ang dibdib ko ng pananabik na hawakan siya. Akin siya. Walang duda. Parehong-pareho ng mga mata ko. Pati ang paraan ng pagtitig niya sa paligid. At nang mapatingin siya sa akin… tuluyan akong naglakad palapit sa kanila. “Pareng M…” mahinang tawag ni Edmund sa tabi ko. Ngunit hindi ko siya narinig nang maayos. Lahat ng atensyon ko ay nasa mag-ina lamang. Halos dalawang taon na ang nakalipas mula ng huli kaming nagkita ni Gladerious. At sa mga lumipas na panahon pinaniwala ko ang aking sarili na kaya kong mabuhay nang wala sila. Pero ngayong nasa harapan ko na sila… doon ko napagtantong hindi pa

