Gladi POV. Nanigas ang buong katawan ko. Mabilis akong napatingin sa kamay ni Matias. At muli… bahagyang gumalaw ang mga daliri niya. “M-Master M?” halos pabulong kong tawag habang nanginginig ang boses ko. Tinitigan ko ng mabuti ang kanyang mukha at malinaw kong nakita kung paano unti-unting gumalaw ang mga mata niya sa loob ng nakapikit nitong talukap. Parang tumigil ang mundo ko. At bumilis ang t***k ng puso ko, dahil sigurado akong nagising na siya. “Master M…” mas malakas kong tawag habang mabilis na tumayo. “M-Matias…” Kasabay noon ang marahan niyang paggalaw. At matapos ang napakahabang panahon… dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Matias. Napahawak ako sa bibig ko habang tuluyang bumagsak ang mga luha ko. “G-Gising ka na…” umiiyak kong bulong. “Oh my God… gising ka na…” H

