Matias POV. Tahimik akong nakatayo sa tabi ng bintana habang nakatitig sa direksyon kung saan mabilis na umalis ang itim na van. Kahit ilang segundo ko lang iyon nakita… sapat na para makumpirma ko na tama ang kutob ko. Minamatyagan kami ng mga sindikato. Mabagal akong napapikit habang mariing pinipigilan ang galit na gustong kumawala. “Tangina, akala yata nila hahayaan ko sila sa masama nilang plano. Hindi pa man nagsisimula… inilalapit na nila ang sarili nila sa kamatayan. Masyado yata nilang minamaliit ang Montemayor clan. Napalingon ako sa kama nang marinig ang boses ni Gladerious. “Master M, matulog kana at makakasama sa katawan mo ang laging puyat.” aniya… siguro nakikita niya lagi na gising ako tuwing gabi. Tumango na lang ako at naglakad na upo sa baba ng kama. Hindi pa r

