Anak! Please! Help me anak! Nandito ako sa park anak! Please help! Ma? Di ko mapigilang matulala, ano bang nangyari? Sa boses palang ni mama sigurado akung may masamang nangyayari sakanya, Sa sobrang takot ko siguro, nabitawan ko yung phone ko, di pwede, di pwedeng pati si mama mawala, ayoko nang maulit yung nangyari kay papa noon, mahal ko si mama at ayokong mawala sya sa buhay ko! Lumabas agad ako sa bahay, wala na akung pakialam sa postura ko ngayon, basta ang nasa isip ko ay si mama, kelangan ko syang iligtas, Pagkarating ko sa park, bakit madilim, naninibago talaga ako rito, eh bihira kasi tong maging ganito eh, dito na ako lumaki kaya alam kung masaya tong park na to at bat ngayon? Pumasok parin ako sa loob nang park, hindi na ipmortante sakin kung madilim ba o hindi, basta ang