Chapter 5

1178 Words
Sana lang talaga kalokohan lang ang sinabi ni Hero dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi man kami okay ni dad, hindi pa rin tama ung ginawa ni mommy. I can’t tolerate that kind of situation at sa daddy pa talaga ni Hero kung sakali. Mas gusto ko pa talagang isipin na baliw silang dalawa ni Karl dahil sa gusto nilang mangyari kesa naman ganito. “Are you okay?” tanong sa akin ni Hero kaya tiningnan ko s’ya. “Ano sa tingin mo?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag totoo ang sinabi n’ya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at kinalma ang sarili ko. Hindi ko dapat kasama si Hero ngayon kung binalewala ko si Karl kanina pero alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ako papatahimikin nitong dalawa hanggang hindi nila nakukuha ang gusto nila. “Let’s just hope na mali ako at tama ka Keila. I don’t want to hurt your feelings, but you need to know the truth,” sabi n’ya sa akin. “I don’t want to be part of your mess Hero, kung ano man yang laro n’yo ni Karl please lang ‘wag n’yo akong isali. Sumama lang naman ako sayo para makita kung totoo ba ung sinasabi mo or talagang sinungaling ka lang tulad ng pagkakakilala ko sa’yo,” sabi ko sa kanya. Hindi na n’ya ako pinansin at bahagya naman akong nakonsensya sa sinabi ko sa kanya. I don’t mean to be rude pero hindi kasi nakakatuwa ung mga sinasabi n’ya lalo na at tungkol ‘yon sa mga magulang namin. Talaga ba kasing kailangan pa n’yang gumawa ng kwento para lang mapapayag n’ya ako sa gusto n’ya? Bakit kailangan madamay pa ng mga magulang namin para lang sa isang kasinungalingan na wala naman patutunguhan? Huminto kami sa isang tagong lugar, hindi ko alam kung nasaan kaming dalawa o kung saan n’ya ako dinala. Kahit hindi kami magkasundo nitong si Hero, alam ko naman na wala s’yang gagawing masama sa akin. “Let’s see if I’m a liar or not,” sabi n’ya sa akin at naunang bumaba ng kotse n’ya. Hindi na ako kumibo at sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa nakarating kami sa isang bahay. “What are we doing here?” tanong ko sa kanya kaya nilingon n’ya ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin n’ya sa akin dahil may kakaiba sa mga titig n’ya na hindi ako komportable. “Open it,” sabi n’ya sa akin na ikinagulat ko kaya napatingin ako bigla sa kanya. “I don’t want,” mabilis na sagot ko sa kanya. Ayokong makasuhan ng trespassing at kung isa ‘to sa mga laro n’ya para masali n’ya ako sa walang kwentang kasinungalingan na gusto n’yang palabasin, hindi ako mahuhulog sa patibong n’ya. “Buksan mo ng malaman mo ang totoo,” sabi n’ya sa akin. “Not this way Hero! This is trespassing!” mariing bulong ko sa kanya dahil natatakot akong may makarining sa amin kahit na alam kong wala naman tao sa paligid. Hindi ako nakakasigurado kung may tao ba sa loob ng bahay at natatakot din ako sa kung anong posibleng aabutan ko sa oras na buksan ko ang pinto. “You want to know the reason why I agreed to drag you in this stupid plan right?” mariing tanong n’ya sa akin. Tumango ako sa kanya at mahigpit n’yang hinawakan ang mga kamay ko, “Then open the f*****g door and see the answer for yourself,” sabi n’ya sa akin saka ipinahawak n’ya sa akin ang doorknob. Mahigpit ang pagkakahawak ko do’n pero hindi ko iyon magawang pihitin. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga matatalim n’yang tingin. “Oo gusto kong malaman kung bakit nga ba sa dinami-dami ng babae mo, ako pa ung napili n’yo ni Karl na isali sa kalokohan n’yong dalawa pero ayokong masira ang pamilya ko,” sabi ko sa kanya saka ko s’ya tinulak palayo sa akin. Tinalikuran ko na s’ya at naglakad ako palayo sa kanya, kahit alam kong hindi pasira na ang pamilya namin, ayoko pa rin na sa ganitong paraan mauuwi ang lahat. That my mother is having an affair with Hero’s father. Gusto ko na lang palabasin sa sarili ko na wala lang magawa si Hero kaya n’ya sinabi ‘yon at nagpauto ako sa kanya para dalhin ako dito. “Your just afraid to know the truth, Keila!” sigaw ni Hero sa akin at hinabong ako. “I not afraid Hero, ayoko lang mahulog sa patibong mo!” sigaw ko rin sa kanya. “Hindi ako mag aaksaya ng panahon Keila kung hindi totoo ang sinasabi ko. Ikaw ang may sabi na ayaw mong masira ang pamilya mo pero ayaw mo rin naman tanggapin ang katotohanan na sinasabi ko sayo,” sabi n’ya sa akin kaya napayukom ako ng kamao ko. “Hindi naman natin kailangan umabot sa puntong magsisinungaling tayo na magkarelasyon para lang mapigilan ung mga magulang natin sa affair nila!” mariing sabi ko sa kanya. “Your smart Keila so do you have a better plan than us, being stuck with the stupid lie like you said?” mariing tanong n’ya sa akin. “Confront our parents!” mariing sagot ko rin sa kanya. “Do you think it will solve everything? It will just worsen the situation and our family will be the talk of the town if that happened Keila! I don’t like being manipulated by my family and you want to have your own life, but things will be difficult for us if this mess will get out of our hands! You need to choose between telling everyone the truth and ruining our family’s reputation or proceeding with the stupid lie that have the possibility of saving our family?” tanong n’ya sa akin at nakikipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Why do I need to be in this f*****g situation with the person I hate the most? “Stop pressuring me Hero! Hindi madali ang gusto mong mangyari,” sabi ko sa kanya. “What’s wrong with having a fake relationship with me? Are your really going to ruin our family because you don’t like me?” tanong n’ya sa akin at gusto ko sanang sagutin ng oo ung tanong n’ya dahil ayoko naman talaga sa kanya. Napapayukom na lang talaga ako ng kamao ko dahil sa dami ng problemang tumatakbo sa isip ko ngayon. Huminga ako ng malalim at akmang sasagutin ko na s’ya ng bigla na lang n’ya akong hinila sa kung saan at sisigawan ko na sana s’ya ng bigla n’yang tinakpan ang bibig ko. “Someone is here,” bulong n’ya sa akin kaya tumingin ako sa tinitingnan n’ya saka s’ya tinulak palayo sa akin dahil sobrang lapit n’ya. Halos takasan ako ng kulay at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. “Let’s lie to everyone,” walang emosyon na sabi ko kay Hero at bigla s’yang hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD