Chapter 2

1346 Words
Mabilis kong inalis ang kamay n’yang nakatakip sa bibig ko at tiningnan s’ya ng masama. Hanggang dito ba naman kailangang sundan n’ya ako. “Ano bang problema mo?” tanong ko sa kanya. “Can you please cooperate with us,” sabi n’ya sa akin. “Ayoko nga sabi,” sabi ko sa kanya at inirapan s’ya. Mabilis kong inayos ang gamit ko para layasan s’ya pero hinila n’ya lang ako pabalik sa upuan ko. Pasalamat s’ya at nasa library kami dahil kung hindi baka nasaktan ko na s’ya. “Just this once Keila,” sabi n’ya pa sa akin. “Hero hindi naman tayo close na dalawa saka kung ano man ‘yang problema n’yo ni Karl please lang h’wag n’yo na akong idamay dahil madami akong ginagawa sa buhay ko,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong dahilan nilang dalawa pero wala akong balak na pumasok sa isang sitwasyon na alam kong mahihirapan lang akong takasan tulad na lang ng hinihiling ni Karl sa akin. Hindi naman nila ako katulad na puro laro lang ang alam at wala akong pakielam kung gaano ba kaimportante ang dahilan nila para lang sa gustong mangyari ni Karl. Ayoko sa lahat ung manloko ng ibang tao dahil para ko na ring niloko ang sarili ko kaya wala akong balak sumang-ayon sa gusto nilang mangyari. Mas mainam pa na maghanap na lang sila ng ibang tao dahil madami naman paniguradong papayag sa gusto nila dahil kay Hero, knowing how popular he is, a lot of girls will volunteer to be his girl. Mas mainam palang umuwi na lang ako o ay lumabas ng campus para hindi ako nasusundan nung dalawa kasi ngayon lang kaharap ko na naman si Karl at napapairap na lang ako ng harangin n’ya ako. “Keila think about it please, it will also benefit you” sabi n’ya sa akin na ikinakunot ng noo ko. I won’t benefit with it when I need to fool and lie to everyone. Wala akong makukuha kung hindi sakit ng ulo sa bagay na ‘yon, baka silang dalawa ni Hero hindi sasakit ang ulo pero ako alam kong sasakit ang ulo ko sa gusto nilang mangyari. Hindi ko maitindihan kung bakit naging magkaibigan ‘tong dalawa na ‘to eh magkaiba naman ang ugali nilang dalawa. “My answer is still no Karl, don’t push me to my limit” sabi ko sa kanya at nilagpasan na s’ya. Lumabas na lang ako ng building at nagpunta sa parking lot para sumakay na sa kotse ko at para umalis. Alam kong nagsasayang lang ako ng gasoline ko at ng oras ko sa gagawin ko na ‘to pero kung mawawala naman sa paningin ko si Karl at Hero okay na rin. Hindi na ako lumayo sa may campus, naghanap na lang ako ng malapit na café at doon tumambay habang ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ko. Mabuti pa dito walang istorbo sa ginagawa ko hanggang sa napalingon ako sa may labas ng café at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Akala ko ba wala dito ang mga magulang ko dahil may business trip sila pero bakit nandito si mommy. Hindi ko inalis ang tingin ko sa ina ko hanggang sa makasakay s’ya ng kotse n'ya. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko saka ko s’ya sinimulang tawagan. Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit nandito s’ya pero ang sabi nila kila manang ay umalis sila ng bansa. “Mom where are you?” tanong ko agad sa kanya ng masagot n’ya ang tawag ko. “I’m busy Keila, let’s just talk when I got home” sabi n’ya sa akin at pinutol na ang tawag. Ano pa bang bago? Lagi naman akong pinagbababaan ng telepono ng magulang ko sa tuwing tatawagan ko sila. Hindi ko na sana inabala ang sarili ko para tanungin s’ya dahil wala naman akong mapapala kaya mas gusto ko na talagang makatapos ng pag-aaral at makaalis na sa bahay namin. Iniligpit ko na lang ang gamit ko dahil nawalan na ako ng ganang magbasa kaya lumabas na ako at bumalik sa kotse ko para bumalik na lang sa campus. Pagbalik ko ay wala na sa parking lot ang sasakyan ni Hero at ni Karl kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil umalis na rin sila sa wakas. Bumaba na ako ng kotse ko at dumiretso sa susunod kong klase, pagkatapos nito wala na akong gagawin at uuwi na ako sa bahay. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan sa ngayon bukod sa may tinatapos nga pala akong isang painting. Matagal ko ng sinimulan ‘yon pero dahil sa sobrang busy ko hindi ko pa rin natatapos ‘yon hanggang ngayon. Nang makapasok ako sa classroom namin ay madami na ako mga ka-blockmate na nandon kaya dumiretso na ako sa pwesto ko at inintay na lang ang professor namin para sa subject na ‘to. “Good afternoon class,” bati sa amin ni professor Cruz na kakapasok lang ng room. “Good afternoon prof,” bati namin sa kanya. “I have an important announcement to make,” sabi n’ya sa akin kaya nagkaroon na ng bulungan sa paligid pero ako nanatiling tahimik lang at hinihintay kung ano man ang sasabihin n’ya sa amin. “Sir ano po ‘yon?” tanong ng katabi ko. “Magkakaroon tayo ng one week seminar and I expect that every one of you will participate because it will have a big impact on your final grades in my subject as well as in your other major subjects,” sabi n’ya sa amin. Napatango na lang ako at hinayaan na silang magkagulo sa pagtatanong sa professor namin at inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalagay ng notes sa lecture ko. “Miss Keila, I will entrust you the list of the participants for the seminar so meet me at the faculty later,” biglang sabi ni Professor Cruz sa akin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya at hindi ko maiwasan na magtaas ng kilay. “Bakit po ako?” tanong ko sa kanya. “You’re a student council officer so I expect you to help us with this matter,” sabi n’ya sa akin kaya napatango ako. “Okay po,” sabi ko sa kanya. “Okay class let’s begin our lessons” sabi na n’ya at nagsimula ng magturo. Hindi pa sumapat ang tatlong oras na klase namin at kinailangan pa naming mag overtime ng fifteen minutes kaya ng mag dismiss si sir lahat kami ay nakahinga ng maluwag pero hindi pa pala ako makakauwi dahil dadaan pa ako ng faculty para kausapin s’ya. Lumabas na ang mga kablockmate ko at dumiretso naman ako sa faculty room para puntahan ang professor namin. Kumatok muna ako bago ako dumiretsong pumasok sa loob at natigilan ako sa naabutan ko pagpasok ko sa loob. Akala ko pa naman umalis na s’ya pero nandito pa pala s’ya. “Teka lang Keila,” sabi ni sir sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Maupo ka muna sa tabi ni Hero,” sabi n’ya sa akin kaya sinamaan ko s’ya ng tingin pero tinawanan n’ya lang ako. Alam kasi ng mga professor namin na hindi kami magkasundo ko Hero at hindi ko alam kung bakit s’ya nandito ngayon. Sa pagkakaalam ko ay madalas daw s’yang nasa faculty room at laging kasama si Sir Cruz kaya madaming nagsasabi na may something daw do'n sa dalawa pero hindi ako naniniwala sa bagay na ‘yon. Mahilig lang talagang gumawa ng issue ang mga tao dito sa school kapag wala ng magawa. Umupo ako sa bakanteng upuan pero hindi sa tabi ni Hero. “Here’s the list Keila and make sure that they will sign it,” sabi sa akin ni sir at kinuha ko agad ‘yon saka inilagay sa bag ko. “I’ll go sir,” sabi ko sa kanya at mabilis na binuksan ang pinto para umalis na pero hindi agad ako nakalabas dahil may babaeng nakaharang sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD