"Pwede ba, huwag mo ako igaya sayo?" kaagad na sambit ni Li Muen habang hinihila ni Bai Rozen ang kaniyang kapatid. "Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot iyang kakapalan ng mukha mo para tawagin akong malandi gayong ikaw naman sa ating dalawa ang walang hiyang gustong halikan ang paa ng Prinsesa at Prinsipe." Bumuntong hininga si Li Muen at ngumisi nang makita niyang masama ang tingin ni Bai Rozen sa kaniya. "Bakit? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo sa nagtatrabaho para sa akin?" Hindi nagsalita si Bai Rozen ngunit naging dahilan ito upang mas lalo pang mainis si Bai Rosally. "Brother Rozen! Wala ka bang ibang gagawin diyan? Ininsulto niya ako tapos wala ka man lang sasabihin? Anong klaseng kapatid ka ha?!" Sigaw nito at dinuro na naman si Li Muen. "Ikaw babae ka! Kung ano ano an