Nang maibaba na ni Shadow si Qin Fan sa isang tela na nilatag muna ni Li Muen ay kaagad naman siyang pinaalis at dumeretso siya kay Lin Xiao. Sa ngayon ay kasama ni Lin Xiao ang iba pa nilang kaibigan habang tutok na tutok ang tingin sa kung saan inilagay si Qin Fan at kung saan tumutulong si Li Merna. Sa kabilang banda, si Lily naman ay hinayaan na lamang na si Li Muen ang gumamot sa kasamahan ng limang lalaki at natulog na lamang siya. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito para sa kaniya kaya naman mas pinili niyang matulog na lamang at huwag na munang pansinin ang nangyayari sa baba. Dahil dito, hindi niya nalaman na ang grupo pala ng mga estudyante na nasa baba ay grupo ng isang Imperial Prince. “Shadow, maari mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit kasama mo ang lalaking iyon?”