Nang makapasok na sina Li Muen at Zhuen ay hindi kaagad sila dumeretso sa mansyon ng mga Li kundi ay naglakad lakad muna sila at kumain. Hindi sila nakakain ng maghapon dahil sa masamang balak ng kanilang tagapagpatakbo ng karwahe. “Ah, I’m so tired. I feel like I should have killed him,” sambit ni Li Muen at napatingin naman sa kaniya si Zhuen. “Miss, hindi po maganda ang iniisip mo,” sambit nito. Mahina namang tumawa si Li Muen, “Zhuen, alam mo, napaka-inosente mo.” Nakangiting sambit ni Li Muen. Tumango naman si Zhuen, “Opo, alam ko po.” Sandali na natigilan si Li Muen sa sinabi ni Zhuen. Nagulat siya dahil sa pagbubuhat ni Zhuen ng bangko gayong hindi naman niya ito gawain. Natawa na lamang si Li Muen. “Sa maikling panahon na pakikisalamuha mo sa labas mukha atang nagbago an