Maliban sa apat na pamilya na kasali sa paligsahan ay nagpakita ng pagkagulat nang makita nila si Li Muen. Alam nila na may anak na babae sina Li Chao at Qin Quin Xi ngunit hindi nila akalain na ang babaeng kasama nila ay iyon ang kanilang anak. Hindi pa nila malalaman kung hindi pa pinakilala ng tagapag-salita ng paligsahan. Hindi na rin naman nagulat si Li Muen na walang nakakakilala sa kaniya sa publiko. Alam naman niya na hindi lumabas sa mansyon ang totoong Li Muen. Hindi lang iyon, dahil sa kaniyang kahihiyan ay pinili niyang huwag makisali sa kahit na anong pagdiriwang na ginagawa ng mga kasing edad niya. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag nilang debut banquet kung saan ay magpapagalingan at magpapayabangan ang mga tao. Ito ay ginagawa sa Imperial Palace kaya naman pati ang mga