Ramdam na ramdam ni Li Muen sa kaniyang sarili na gusto niyang makilala ang lalaki sa likod ng maskara. Alam niyang may katayuan ang lalaking ito sa kanilang ginagalawan ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit niya gustong makilala ang lalaking ito, may nag tutulak sa kaniyang kilalanin pa ito. Ah, ano ba kasing nangyayari sa akin? Ayoko pa naman mamatay pero bakit parang gusto ko siyang makikila? I know, knowing him might lead me to death, but, ah! No, hindi ko tatanungin ang pangalan niya. Gusto ko pa mabuhay! Habang nagtititigan si Li Muen at ang lalaking nakamaskara, ang lalaking gustong pumatay kay Li Muen ay bigla na lang tumakbo. Ramdam ng lalaking ito ang takot sa lalaking nakamaskara, ramdam niya na anumang oras. Hindi man tumitingin ay ikinumpas lang ng lalaking nakamaskara