Kaagad na umatras si Li Muen papalapit kay Lily at papalayo sa kaniyang kalaban. Naramdaman niya na may papalapit at hindi magiging maganda ang kaniyang kalagayan kung siya ay makikipaglaban sa lalaking ito. Isa itong tire seven at alam ni Li Muen na hinding hindi niya ito kayang talunin ng walang kaplano plano. ‘Ah sht! Wrong timing naman! Sana pala pinatay ko na lang kaagad siya e ‘di sana nakalayo layo na kami dito. Oh gosh, I should have killed him before this man came!’ inis na sambit ni Li Muen sa kaniyang isipan nang makita niya ang lalaki na nasa likuran ng kalaban niya kanina. Napatingin ang kalaban ni Li Muen sa kaniyang likuran at wari mo ay nagningning ang mata nito nang makita ang lalaki. “Pinuno…” mahina at nahihirapang bigkas ng lalaking kalaban kanina ni Li Muen. “Ang