Isa… Dalawa… Tatlo… Labing walong araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Lin Jing sa courtyard ni Li Muen at hindi pa rin naman nawawala ang qi pressure sa loob ng courtyard. Wala rin namang ibang magawa sina Li Chao kundi ang maghintay at sampung araw pakatapos na makarating nina Li Chao sa Xidi Kingdom ay nagkasakit si Qin Quin Xi. Ang sabi ng Imperial Physician ay hindi lamang kinaya ng katawan ni Qin Quin Xi ang sobrang pag-aalala para kay Li Muen kaya naman ginawan ng paraan nina Li Baejin at Li Junli upang hindi mapaisip ng kung ano si Qin Quin Xi. “Brother Junli, talaga bang dapat kong suutin ito?” nag-aalangan at nagmamakaawang sambit ni Li Baejin. Mahina na tumawa si Li Junli, “Huwag kang mag-alala brother Baejin, hindi ka kamumuhian ni Mu’er o ni ina da