Napaupo si Li Muen at napahawak sa kaniyang ulo dahil sa sakit nito. ‘Nasobrahan ata ako sa iyak,’ sambit ni Li Muen sa kaniyang isipan. Nang maramdaman naman ni Li Muen na may ibang tao sa kaniyang kwarto sa bandang kanan niya ay kaagad siyang napabalikwas at tumalon papunta sa kaliwa. “Sino ‘yan?!” may diin na tanong ni Li Muen at bigla na lamang lumabas ang kaniyang dagger sa kaniyang dalawang kamay. “Alert as ever,” dinig ni Li Muen na sabi ng lalaking nasa dilim. Nang mapagtanto ni Li Muen kung sino ang taong nasa dilim ay kaagad naman niyang hinagis ang kaniyang dagger na magkasunod. Walang hirap naman itong naiwasan ng taong nasa dilim. Umayos ng tayo si Li Muen at nagpagpag ng kaniyang sarili. Baliwala lamang kay Li Muen kung nakapangtulog siya ngayon at lalaki ang nasa