Maagang nagising si Zhuen upang kumuha ng makakain sa kusina ng inn. Ang inn na kanilang tinuluyan ay hindi pangkaraniwan. Bagkus, ito ang inn kung saan laging nagpapahinga ang mga taong may matataas na antas sa buhay. Isa din itong sikat na inn kung saan may karapatan ang mga taga-silbi ng mga nasa matataas na antas na kumilos sa kusina para sa kanilang pinagsisilbihan. Lingid sa kaalaman ni Zhuen na ang kaniyang pinagsisilbihan- si Li Muen ay magdamag na nagcu-cultivate. Ang isang taong nag-cu-cultivate ay kayang hindi matulong at hindi kumain ng ilang araw depende sa kanilang tier. Nang matapos si Zhuen an ihanda ang pagkain ni Li Muen at kumain siya saglit at siya ay kaagad na umakyak dahil alam nitong gising na ang kaniyang young miss. "Miss?" Binuksan ni Zhuen ang kwarto ni Li