Naglakad nang naglakad pa sina Li Muen at Lily papunta sa pinaka gitna ng gubat ng Hui Mountain at sa hindi kalayuan ay nakakarinig sila ng away. Nagpunta sina Li Muen at Lily roon ngunit hindi sila nagpakita at tiningnan na muna kung sino ang nag-aaway. “Bai Ling! Hindi ko inaasahan na ganiyan ka kasama!” sigaw ng isang babae habang nakaluhod ito at hawak hawak ang isang lalaking duguan. Bai Ling, siya ay isa sa tinatawag na genius sa pamilyang Bai at pumapangalawa kay Bai Rozen. Mayroon siyang kakaibang katangian kung saan ay gusto niyang kolektahin lahat ng magagandang dilag sa kaniyang courtyard. “Qin Lie, kung ginawa mo lang ang sinabi ko at hindi nakikipaglandian sa lalaking ito hindi sana nangyari ito.” Nakangiting sambit ni Bai Ling kung saan halata na wala siyang balak na pal